Isinagawa ang outreach program sa mahigit sa 100 pamilyang Badjao na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), sa Purok 3, Brgy. Tagburos, Puerto Princesa City, Palawan.
Bahagi ang outreach program ng isinagawang Civil Society Organization (CSO) Consultation and Learning Visit ng 4Ps-Regional Program Management Office (RPMO) kasama ang ilang non-profit organizations mula Agosto 30 hanggang Setyembre 1.
Kasama sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang CSO partners sa Palawan tulad ng Ligaya ng Buhay, Pilipinas Shell Foundation, Inc., National Auxiliary Chaplaincy Philippines (NACPHIL), Bethsaida, Metro Ormoc Community Multi-Purpose Cooperative (MPC), Tao Kalahi Foundation, International Care Ministries (ICM), Agape Rural Health Inc., at Amos Tara Community Center.
Sa pagkakaroon ng Family Development Session (FDS) at focus group discussion (FGD), na ginabayan ng Landbank PPC Branch at mga CSO volunteers, naging masaya ang mga kabataang benepisyaryo sa pamamagitan ng coloring activity at lecture tungkol sa kalusugan. Binigyan din ng tulong-medikal at dental ang bawat sambahayang benepisyaryo.
Naging posible ang aktibidad na ito dahil sa suporta at tulong mula sa mga katuwang ng Departamento.
Pasasalamat ang ipinaabot ng DSWD MIMAROPA sa Puerto Princesa City LGU, Tagburos BLGU, at mga sumusunod:
• City Health Office ng PPC para sa libreng health at dental check-up, konsultasyon, tooth extraction, x-ray, at medisina;
• Western Command Armed Forces of the Philippines para sa libreng medical consultation;
• Amos Tara para sa libreng HIV testing kits at contraceptives;
• Yakult para sa 300 yakult health drinks at lektura para sa mga bata;
• Metro Ormoc Community MPC para sa libreng pagkain para sa mga benepisyaryo at volunteers;
• ICM para sa 756 Mannapack Rice (356grams/pack) at vegetable seeds;
• Mega Prime Foods Inc. para sa 200 canned sardines; at
• Mister Donut para sa 150pcs ng donut.
Matapos ang 3-day consultation dialogue, naglahad ng plano at panukala ang mga CSOs para sa mas marami pang tulong sa mga benepisyaryo.
Discussion about this post