Hindi umano sapat at epektibo ang paglalagay lamang ng mga satellite offices tulad ng LTO, PhilHealth, SSS at iba pa, kung hindi mahahati ang Palawan sa tatlong (3) probinsya ayon kay Provincial Information Officer (PIO) Winston Arzaga. Marami umanong nakikitang dahilan kung bakit hindi epektibo ang paglalagay lamang ng mga satellite offices ng ilang ahensiya ng gobyerno.
“Unang-una pag maglalagay ka ng maraming satellite office, ano una mo magiging problema diyan? Siyempre maglalagay ka ng tao niyan personnel diyan ‘diba? Pag naglagay ka ng personnel diyan pinapasuweldo ng probinsya yan malamang baka lumagpas tayo sa personnel limitation na 45% hindi naman pupuwede yun. Ibig sabihin kung maglalagay ka ng plantilya diyan lahat-lahat yan malamang lalagpas ka sa tinatawag na personnel limitation.”
Dagdag pa ni PIO Arzaga limitado umano ang authority at decision making sa isang satellite office sapagkat hindi naman awtorisado ang isang personnel na itinalaga dito.
“Walang full authority yan at walang decision making kasi ang decision making at tiyaka yung awtoridad bumabalik pa rin sa kapitolyo, doon pa rin ‘diba? Thereon, wala silang decision na puwedeng gawin especially sa mga major-major decisions na kailangang gawin, babalik at babalik pa rin yan sa kapitolyo.”
“So bakit pa satellite office? Eh di ilapit mo na lang yung kapitolyo para mas madali puntahan, instead na gagawa ka ng satellite office na additional manpower yan at tiyaka limited yung authority. Puwede gawin yan on a very limited scale, halimbawa yung isang lugar napakalayo at kailangan lagyan mo pupuwede yun, pero sabi lahat ng munisipyo lalagyan mo there could be counterproductive.”
Discussion about this post