Hindi alintana ang pandemya upang matagumpay na isinagawa ang pagpapailaw ng Christmas Tree sa bayan ng Brooke’s Point ngayong gabi, ikatatlo ng Disyembre taong 2020.
Pinangunahan ng ina ng bayan ng Brookes Point na si Mayor Atty. Mary Jean Feliciano ang pagpapailaw na hudyat ng pagbubukas ng pagdiriwang ng kapaskuhan sa bayan. Kasama nito ang bise alkalde na si Vice Mayor Jaja Quiachon, at Sangguniang Bayan Members, Ton Abengoza, Ely Crespo, Rogelio Badua, Hayati Dugasan at Bong Ferraris.
Dumalo rin si Rev. Father Francisco Enano na nag alay ng basbas sa nasabing Christmas Tree, sa Belen at sa mga dekorasyon nito.
Ayon kay Mayor Feliciano sinadya nilang hindi ipaalam sa karamihan ang nasabing seremonya na pagbubukas ng mga ilaw. Ito upang maiwasan ang pagdagsa ng mga maraming tao bilang pagsunod na din sa mga health protocols ng new normal.
Lubos din silang nag papasalamat dahil mahigit isang buwan nang nananatiling COVID-free ang Bayan ng Brookes Point.
Dagdag din nito na naniniwala silang ang pag papailaw ng Christmas Tree ay pagsisimbolo ng Panibagong Pag-asa para sa lahat.
Discussion about this post