Kasalukuyang nasa 35 na ang positibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Cagayancillo at inaasahan na tumaas pa ang bilang nito mula sa isinagawang Rapid Diagnostic Testing (RDT) na kung saan 106 ang bilang ng mga reactive ayon sa update ng Mayor ng Cagayancillo na si Sergio Tapalla.
“Inanticipate po natin ito na talgang marami…ang reactive kaagad doon sa [isinagawang] RDT ay 106. After magkaroon ng swabbing, ang resulta po ng swab samples ay 35 yung positibo [sa COVID-19] po natin,” Ani Mayor Tapalla.
Ayon kay Mayor Tapalla, walang dapat ikabahala ang mga mamamayan sa kabila ng patuloy na pagtaas na bilang ng kaso.
“Ang 35 positive covid cases natin ay asymptomatic din po sila, wala po silang nararamdaman….Ang kagandahan lang dito yung mga positive pati kasama yung 106 na RDT [ay] na-isolate po natin. Ibig sabihin nag-undergo sila ng quarantine…mai-stop na ang spread out ng [Corona] virus dito sa bayan ng Cagayancillo,” dagdag pa nito.
Kasalakuyan naman na naka-Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang bayan ng Cagayancillo at ngayong linggo ay magkakaroon sila ng pagpupulong ukol sa mga susunod na hakbang patungkol sa sitwasyon.
“As of now, yung bayan ng cagayancillo na sa ECQ po tayo. After this week, magme-meeting po kami, mga Wednesday, yung 35 na positive i-undergo natin ng RDT ulit. Pag-nawala, ililift na po natin [ang ECQ].”
Samantala, nanawagan ang Mayor ng Cagayancillo na sumunod sa health protocols ang publiko upang maiwasan na ang pagkalat at pagdami ng kaso ng COVID-19.
Discussion about this post