Nababahala ang Department of Health (DOH) MIMAROPA sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon. Umabot na umano sa 338% ang itinaas nito kumpara noong buwan ng Pebrero.
“Oo tama po yun, talagang tumaas ang ating kaso sa rehiyon. Mayroon po tayong 338% increase ng ating kaso. Sa rehiyon ang ating previous ng 3 to 4 weeks ago mga 42, 1st week of March tumaas ito ng 184.”
“Nakakabahala ito so nag-usap-usap naman kami ng ating mga partners sa LGU yung ating mga PHO at saka naghahanda nga sila itong kanilang mga measures, protocols na i-intensify yung ating minimum public health standards,” pahayag ni Dr. Mario Baquilod, OIC-Director DOH MIMAROPA.
Nang tanungin naman si Dr. Baquilod kung mayroong kinalaman ang maluwag na travel protocol sa pagsipa ng kaso, kumbinsido umano sila na isa ito sa dahilan.
“Sa tingin namin nagkaroon ng epekto ito, dahil sa lax sa ating mga ports and seaports. Ang gusto naman ibalik ng ating mga gobernador at least magkaroon swab ang ating mga APORs, mga nandito sa Metro Manila at saka sa ibang siyudad,”
“Dapat paigtingin lalo yung ating pagbabantay sa ating mga boundaries, sa mga ports at saka airports,”
Target umano ng DOH na mapababa muli ang mga aktibong kaso sa rehiyon sa pamamagitan nang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan na silang magpapatupad nito at pagsunod sa ipinatutupad na minimum health standards.
“Parang nag lax tayo sa ating mga protocol at saka measures so pinaigting natin yung ating mga adbokasiya. Napababa na natin ang kaso eh, I think during the January [and] February mababa yung ating kaso. Yung ating active cases, nakapagtala tayo mga 35 na lang. Sa buong rehiyon ngayon ito ay lumobo naging 171 as of March 18, kaya itong mga numero ay nakakabahala,”
Ayon kay Grace Salazar ng Barangay Milagrosa hindi na siya nagugulat sa pabago-bagong datos na ito ang importante lamang aniya ay alagaan ang sarili at sumunod sa ipinatutupad na pamantayan kaugnay dito.
“Parang wala na sa akin ang biglang taas at biglang baba ng COVID-19, parang normal na lang. Ingat na lang sa sarili yun na lang naman ang panlaban sa COVID at sunod na lang sa protocol.”
Discussion about this post