Dulot na rin ng napakapalyadong operasyon ng Palawan Electric Cooperative sa pagbibigay ng suplay ng kuryente sa mga member-consumer-owners nito, nagpasa ng resulosyon si Board Member Al Nashier Ibba sa Sangguniang Panglalawigan na mag-takeover na ang national government sa pamamalakad nito.
Nilalaman ng ipinasang resulosyon ni Ibba na matamang pag-aralan ng Energy Regulatory Commission ang aksyon na mismong ang pamahalaang nasyunal na ang siyang magpatakbo ng Palawan Electric Cooperative upang mabigyan na ng wakas ang patay-sinding kuryente na malaon nang nagbigay ng suliranin sa maraming kabuhayan at takbo ng negosyo sa Palawan.
Sinabi ni Ibba, ngayong mayroong isyu na nakaambang power crisis sa lalawigan, maaaring ito ay magresulta ng paghina ng pag-usbong ng ekonomiya sa lalawigan.
Matatandaang mismong ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nagpahayag nang posibilidad ng pagtake-over ng national government sa Paleco, dulot na rin ng kaliwa’t kanang na nakarating noon mismo sa Malakanyang.
Ang resulosyon ni Ibba ay may titulong “Requesting His Excellency President Ferdinand Bongbong Marcos Jr., through the Secretary of Department of Energy, to study the takeover the operation of Palawan Electric Cooperative o Paleco.”
Maliban sa Palawan, marami pang lugar sa bansa ang nakararanas ng suliranin sa kuryente dahil na rin sa mga palyadong pamamalakad ng mga electric cooperative sa kanilang lugar.
“Maraming paraan na nabanggit ang Paleco pero hindi 100 percent, kaya nga meron tayong short term solution at long term solution. Ang kailangan natin yung long-term solution kasi according doon sa ating Congressman Salvame hanggang December yung short term lang, (advance payment ng Provincial Government sa Delta-P) after ng short term ano ang gagawin ng Paleco? Kaya dapat kailangan natin ang long term ang magpatulong tayo sa National sa pangunguna ni Pangulong Duterte,” pahayag ni BM Ibba.
Bilang karagdagan, sinabi pa ni Ibba na “mananatili namang nasa pwesto ang mga empleyado ng Paleco kung sakaling maapruhaban at dinggin ng Department of Energy at National Government ang kahilingang ito ng mga Palawenyo. Ang mahalaga, magkaroon ng kapangyarihan ang Pangulo upang makita at mapag-aralan ang problema ng power supply sa Palawan, dahil ang magiging apektado nito ang mismong mga mamamayan ng Palawan, lalo na ang ekonomiya, at turismo.”
Discussion about this post