Tuloy-tuloy ang Pagbibigay ng Cash Cards sa mga mahihirap na nakilahok sa listahanan ng DSWD- MIMAROPA.
Sa pagsasagawa ng sama-samang gawain ng DSWD MIMAROPA, Land Bank of the Philippines (LBP), at lokal na pamahalaan, patuloy ang pamamahagi ng cash cards para sa mga indibidwal na itinukoy ng listahanan na may kahirapan sa iba’t-ibang bahagi ng MIMAROPA Region.
Ang pagkilos na ito ay ginagawa sa mga lalawigan ng Romblon, Oriental Mindoro, at Palawan, sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang sangay ng LBP sa mga lugar na Odiongan, Coron, West PPC, Calapan, Pinamalayan, at Roxas, pati na rin ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang Municipal Social Welfare and Development Offices (MSWDOs).
Ipinatutupad ito para sa mga benepisyaryo na hindi nakatanggap ng kanilang cash cards noong taong 2020, na naglalaman ng cash grants mula sa mga programa tulad ng Unconditional Cash Transfer (UCT) at Targeted Cash Transfer (TCT).
Discussion about this post