Naaksidente ang mag-asawa at apo nila sa araw ng Undas kahapon, Nobyembre 1, matapos iwasan ang tumatawid na aso sa national highway ng Bayan ng Quezon.
Ayon kay Ilyn Roxas Forones, natumba ang sinasakyang motorsiklo ng kaniyng magulang na sina Armie Roxas, 59-anyos at Flordeliza Roxas, 58-anyos at anak na si Chamverle R. Forones, 8-anyos.
“Naaksidente ang magulang ko with my 8-year-old son along National Highway kahapon ng hapon, unahan ng DIP. Cause of the accident is aso na biglang tumawid,” ani Forones.
Bagama’t masuwerteng hindi malubha ang tinamo ng mag-asawa, ang kanyang 8-taong gulang na anak na si Chamverle ay kasalukuyang sumasailalim sa pagpapagamot sa ospital para sa mga sugat sa ulo nito.
“Kay buti ng Diyos, minor lang ang mga natamong galos, except sa anak ko, suffering ngayon ng head and emotional trauma,” dagdag niya.
Ipinaabot ng rin ni Forones ang kanilang pasasalamat sa mga sumaklolo at tumulong sa kanila matapos ang aksidente.
Kasabay nito, nagmungkahi ito na maging mas responsable at maunawaing ang mga may-ari ng aso, kasabay ng pagpapahayag niya ng kahilingan sa lokal na komunidad na panatilihin ang kanilang mga aso na naka-tali o nasa ligtas na lugar upang maiwasan ang mga katulad na aksidente sa hinaharap.
“Please naman po, parang awa niyo na, mga dog owners na nakatira malapit sa mga public roads, ilang buhay pa po ba mawawala o madidisgrasya?Pakitali naman po ang inyong mga aso,” ani Forones.
Bukod dito, humiling rin siya ng mas mahigpit na ordinansa sa lokal na pamahalaan ng Quezon upang maiwasan ng mangyari muli ang gantong klase ng aksidente.
Ang mensahe ni Forones ay nagdulot ng mga diskusyon sa mga lokal na residente ng Quezon ukol sa mas mahigpit na ordinansa at regulasyon sa barangay patungkol sa pag-aalaga ng mga hayop, hindi lamang ng mga aso kundi pati na rin ng ibang mga hayop kagaya ng kambing, na kalimitang nasa mga pampublikong kalsada.
Ayon sa kanya, ito ay partikular na may kinalaman sa mga lugar mula sa Underground 1 patungong Public Cemetery sa bayan ng Quezon, kung saan naganap ang insidente.
Discussion about this post