Nakakatanggap umano ng pananakot mula sa ilang lokal na opisyal sa Bayan ng Narra ang ilang miyembro ng Sulong sa Pagbabago, Bangon Narra (SPBN) ayon kay Guillermo Aficial, Presidente ng nabanggit na organisasyon.
“Yung nagpapapirma [ay] pinapatawag daw [doon] sa munisipyo [at] ganun din ‘yung Kapitan na nagsabi na ‘kayong mga nagpapapirma dyan, hindi kayo makakatanggap ng ayuda sa lahat ng barangay’. ‘Diba ang dating kasi doon parang mayroong pananakot sa material na bagay?” ani Aficial.
Pinaalalahanan naman ni Aficial ang mga lingkod bayan na dapat walang pinipili sa paglilingkuran.
“Kung tutuusin ‘yung mga elected local officials na ito, mayroon silang sinumpaang tungkulin. Mayroon pa sa kanila [na ang] sinumpaang tungkulin… na ang kanilang pagseserbisyuhan ay ‘yun lang mga sumuporta sa kanila. Kaya nga medyo discouraging on our part na syempre ang tema naming [ay] yung pagbabago…” dagdag na pahayag ni Aficial.
Samantala, sa kabila nito hindi umano naging hadlang ang mga pananakot sa ilang miyembro ng kanilang samahan sa kanilang ninanais na maisakatuparan sa Bayan ng Narra kundi ito ay nagdagdag pa ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang kanilang pinaglalaban.
“Actually, ‘yan ang nagbigay inspirasyon sa bawat lider sa bawat bara-barangay. Nagkaroon tayo ng initiative na ganito dahil, syempre through text and call [ay] nagkaroon ng taos pusong ugnayan, nagsasabi sila na ‘why not ipakita rin natin sa kanila na hindi sila ang hari dito sa Narra?’,” salaysay pa nito.
Discussion about this post