Sa isinagawang Gawad Parangal Awards, itinanghal na “Most Outstanding Provincial Cooperative Office” ang Provincial Cooperative Development Office (PCDO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan para sa taong 2023.
Ang pagkilalang ito ay iginawad ng Cooperative Development Authority (CDA) sa lalawigan.
Hinirang din ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan bilang 2023 Regional Winner for Outstanding LGU dahil sa matagumpay na suporta ni Gob. Socrates sa mga programang pang-kooperatiba.
Hinirang din ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan bilang 2023 Regional Winner for Outstanding LGU dahil sa matagumpay na suporta ni Gob. Socrates sa mga programang pang-kooperatiba.
“It was a humbling experience for us to be given recognition by the Cooperative Development Authority-Regional Office,” ani PCD Officer Gina S. Socrates.
Sa mga naisakatuparan ng PCDO sa taong 2023, isa na rito ang paglulunsad ng KOOP BATA, ang kauna-unahang Laboratory Cooperative sa Palawan na naglalayong turuan ang mga kabataang Palaweño sa pagtitipid, pag-iimpok, pamamahala sa pera, at pagsali sa isang kooperatiba.
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ay naging host din sa 11th National Tripartite Conference for Cooperative Development kung saan dumalo ang mahigit isang libong delegado mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Sa Credit Assistance Program, ipinagkaloob ng PCDO ang halagang P4.6-M na tulong puhunan sa iba’t ibang kooperatiba sa lalawigan.
Nakipag-ugnayan din ang PCDO sa Palawan State University – College of Business and Accountancy (PSU-CBA) sa pamamagitan ng Memorandum of Understanding (MOU) signing.
Patuloy rin ang PCDO sa pagbibigay ng mga pagsasanay tulad ng Youth Camp, Youth Savers Forum, at Financial Literacy Training, lalo na sa mga kabataan.
“In this year 2024, we look forward to a better year ahead of us. We will strive to improve and find ways to be innovative in our ways of serving the people particularly the cooperatives in Palawan,” ani Socrates.
Discussion about this post