Sa kaniyang naging privelege speech, ika-2 ng Pebrero taong 2021 sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, hiniling niyang ipatawag sa magkahiwalay na pagdinig ng Committee on Agriculture at Committee on Health ng Sangguniang Panlalawigan ang mga ahensiya.
Sinabi ni BM Sabando na nais niyang malaman sa Kagawaran ng Agrikultura kung kailan matatapos ang proyektong tramline sa barangay Caramay patungo sa Nanabu batak tribe sa sitio Nanabu, Bgy Caramay na noong taong 2018 pa nahinto ang paggawa.
Aniya, hind umano nagagamit ang naturang tramline dahil may mga bahagi na kinalawang na at posibleng maging white elephant na ang proyekto kapag hindi nila natapos.
Maliban dito hinihiling niya rin umano na mapakongketo ang kalsada magmula sa national highway papunta sa station 1 ng tramline.
Iginiit niya na matagal na niya itong nabanggit sa kaniyang privelege speech noong nakalipas na taon subalit hanggang ngayon ay walang ginawang aksyon ang DA.
” Ang inyong likod ay humihingi po ng tulong sa ating plenary na matawag po ang atensyon ng Department of Agriculture, ano po ba ang mangyayari sa project na ito sa barangay Caramay sa bayan ng Roxas, ito po ba ay magagawa ngayong taon? o masisimulan ba by [taong] 2022?” saad niya.
Sayang lamang umano ang proyekto kung hindi matatapos.
Samantala, gusto namang malaman ni BM Sabando sa DOH kung matatapos pa ba nila ang konstruksyon ng Sattelite Health Center sa barangay Antonino at Birthing Clinic sa Bgy Poblacion, na proyekto ng DOH Regional office na parehong nahinto ang paggawa noong taong 2018.
” Ano na po ba ang mangyayari dito sa mga project sa Roxas under sa Department of Health, matatapos po ba before at the end of our term kasi yun din po ang isa sa mga concerned ng ating mga kababayan po sa Roxas” dagdag niya.
Kabilang rin sa ipatatawag sa pagdinig sa komite na isasagawa sa susunod na linggo ay ang namumuno ng I-HELP Program ng Provincial Government na si Engr Saylito Purisima.
Discussion about this post