Pinangunahan ni Police Brigadier General Joel B. Doria, Regional Director, ang mga tauhan ng Police Regional Office MIMAROPA na palakasin ang kampanya sa kamalayan tungkol sa itinakdang presyong tukoy sa bigas sa buong rehiyon noong araw ng Martes Setyembre 5.
“This directive is in response to President Ferdinand R. Marcos Jr.’s mandate as outlined in Executive Order No. 39, which imposes a price ceiling on rice,” saad ni Doria.
Ang PNP ay binigyan ng tungkuling magbigay ng kinakailangang suporta at tulong sa DTI at DA sa pagsasakatuparan ng utos na ito, na layuning mapanatili ang kumpiyansa sa itinakdang presyong tukoy sa bigas bilang solusyon sa pagtaas ng presyo nito sa retail.
Binigyang-diin ni PBGEN Doria ang buong suporta at dedikasyon ng PRO MIMAROPA sa pagsunod sa mga direktiba ni Pangulong Marcos.
“PRO MIMAROPA, under the guidance of DILG Secretary Atty. Benjamin C. Abalos Jr. and the leadership of PNP Chief, PGen Benjamin C Acorda Jr., is dedicated to President Ferdinand R. Marcos Jr.’s vision of a fair and inclusive rice market” the MIMAROPA top fop emphasized.
Aniya, layunin na siguruhing may patuloy na suplay ng abot-kayang bigas sa MIMAROPA.
Ang mga lumalabag sa presyong tukoy ng bigas, na itinakda sa P41 bawat kilo para sa regular-milled at P45 bawat kilo para sa well-milled rice, ay haharap sa mga parusa na nakasaad sa Seksyon 15 at 16 ng Republic Act No. 7581.
Kasama sa mga parusang ito ang pagkakakulong ng isang taon hanggang sampung taon at malalaking multa na umaabot mula Php5,000 hanggang Php1,000,000.
Hinimok pa ni PBGEN Doria, ang publiko na suportahan at makipagtulungan sa pagsasakatuparan ng utos na ito.
“We urge the public’s cooperation and support in fostering a transparent and inclusive rice market that benefits all stakeholders in the region,” dagdag na pahayag ng Opisyal.
Discussion about this post