Inaasahang magiging mas lalong maituturing na “payapang lalawigan” ang Palawan, matapos ang pagsasagawa ng matagumpay na Orientation on the Communist Terrorist Group problem and Security Awareness Seminar, kamakailan sa kapitolyo na nagkakaisang dinaluhan ng mga ahensiya at grupo kabilang na ang Technical Education and Skills and Development Authority (TESDA), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Palawan Task Force Ending Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).
Naging pangunahing layunin ng seminar ang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga kaagapay na pribado at pampublikong sector na katuwang ng TESDA patungkol sa isyung terorismo.
Sa nabatid ng Palawan Daily batay na pahayag ni TESDA Director Vivian E. Abueva, M.M., CSP, “everybody must be oriented sa mga terrorist act, but then ang maganda sa Palawan ay wala ng masyadong problem sa mga NPA, kasama na rin natin ang mga dating miyembro nito na nagbalik-loob at nakikipagtulungan sa ating mga gawain. Hoping na magkaroon talaga tayo ng sustainable na development for them para hindi na rin malihis ang mga landas at bumalik sa pagrerebelde.”
Naging tampok din sa seminar ang pagbibigay pugay sa mga nakaagapay ng TESDA sa kanilang mga isinagawang programa kasabay ng pasasalamat ng ahensiya sa mga suportang tuwina ay ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Palawan Governor Victorino Dennis M. Socrates.
Discussion about this post