Nitong Mayo 12, 197 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula sa Roxas, Palawan ang dumalo sa isnagawang Pugay-Tagumpay Ceremonial Rites.
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng ibat-ibang sangay ng pamahalaan ng Gobyerno mga opisina ng gobyerno, at ilan sa mga partners mula sa pribadong sektor. bilang pagkilala sa pagsisikap ng mga benepisyaryo na makatawid tungo sa kaunlaran.
Masasabing ang Pugay-Tagumpay ay naglalayong kilalanin at pahalagahan ang pagsisikap ng bawat benepisyaryo ng 4Ps sa pagkamit ng self-sufficiency na antas na pamumuhay kung saan sila ay maituturing nang non-poor.
Base sa batas ng 4Ps, ang isang sambahayan ay kailangan nang umexit o umalis sa programa kung (a) wala nang batang edad 0-18 na maaaring i-monitor o irehistro sa programa at (b) nasa level 3 na ang buhay o maayos na kaya’t hindi na kailangan pa ng pagsuporta mula sa programa.
Samantala, ang lokal na pamahalaan ng Roxas ay buong suporta sa mga grumaduate na sa programa sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng LGU.
Ang mga paalis na benepisyaryo ay bahagi ng implementasyon ng Kilus Unlad Framework o gabay upang mapabuti ang pamumuhay ng mga benepisyaryo ng 4Ps sa loob ng pitong taon. Ang LGU ng Roxas na ng endorse ang magpapatuloy ng pagsuporta sa sambahayan upang masiguro na hindi na sila muli pang babalik sa kahirapan.
Discussion about this post