Lubhang kinakailangan ang pagkakaroon ng prayer room para sa mga mananampalatayang Muslim na bumibiyahe paroo’t parito ng lungsod ng Puerto Princesa. Dahil dito inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ang resolusyon ukol dito.
Sinabi ni City Councilor Robert Elgin Damasco sa kanyang isinagawang report bilang chairman ng Committee on Market, Slaughterhouse and other Economic Enterprise, sa kanilang isinagawang committee meeting, ipinahayag ni Abner Sumpa Pangulo ng Muslim Association of Puerto Princesa (Musapric), ang kalahagahan ng pagkakaroon ng muslim prayer room sa bagong terminal sa Barangay Irawan dahil na rin sa karamihan sa mga biyahero patungong ibat ibang lugar sa lalawigan ay pawang mananampalatayang muslim.
Dulot nito ang mga manananampataya ay obligadong magsagawa ng limang beses kada araw na pagdarasal o “sallah” batay sa takdang oras anuman ang kanilang ginagawa at saan man sila.
Si Director Aleem Abubakar Nasil ng Human Development Foundation Inc, ay nagbigay diin na ang paliparan ng lungsod ay mayroon nang itinakdang lugar dasalan para sa mga mananampalatayang muslim na biyahero dahil ang siyudad at Palawan ay itinuring na one of the best tourists destination sa bansa at karamihan sa mga tumutungo sa lugar ay yaong mga muslim visitors.
Sinabi ni Damasco, sa kanilang pulong ay binigyang diin din ni Nasil na mayroon na silang ipinaabot na kahilingang maglagay ng ecumenical prayer room para sa mga Christian at Muslim ngunit mayroon lamang pagkakaiba ang dalawang pook dasalan, at kailangang magkahiwalay yaong dasalan, dulot na rin na ang musalla (prayer room para sa mga mananampalatayang Muslim) para sa mga biyaherong Muslim ay hindi na ngangailangan pa ng upuan o anumang kagamitan sa itatakdang lugar kung kaya’t ito ay inaasahang magiging reyalidad.
Discussion about this post