Ikinasa ng Roxas Municipal Police Station (MPS) kahapon ang Oplan-Sita/Bakal sa lahat ng dumaraang mga sasakyan para umano sa kaligtasan ng mga mamamayan ng Bayan ng Roxas.
Ayon sa Facebook post ng Roxas MPS kahapon, bandang ala diyes ng umaga ng araw ding nabanggit ay isinagawa ng pulisya ang Oplan-Bakal/Sita, sa pangunguna ni Acting COP, PMaj. Analyn Palma, katuwang ang mga opisyales ng Brgy. Tinitian sa pangunguna naman ni Punong Barangay Andrew Golifardo.
Layon umano nitong ma-check ang lahat ng mga sasakyan kung mayroong dalang mga kontrabando at iba pang nakamamatay na mga sandata ang mga drayber.
“This activity was conducted to ensure the public safety of the community,” ayon pa sa post ng Roxas PNP.
Ang Oplan Bakal Sita o ang “Campaign Against Criminals Riding in Motorcycles” ay isa sa mga focused police operations ng Pambansang Pulisya na naglalayong mapababa ang mga insidente ng karahasan gamit ang mga baril at iba pang nakamamatay na sandata, at ma-neutralize ang mga motorcycle-riding-criminalS, private armed groups, ang mga gang group, at iba pa.
Discussion about this post