Bilang bahagi pa rin ng laban konta Coronavirus disease 2019 (COVID-19), ipinatutupad na sa ngayon ng lokal na pamahalaan ng San Vicente ang pagkuha ng passenger manifest copy ng lahat ng public at private transport/vehicles bago lumabas sa kanilang bayan.
Sa post noong Hunyo 29 ng “Information & Communication Section of San Vicente, Palawan,” nakasaad na kailangang kumuha ng nasabing dokumento ng mga concerned indibidwal sa Municipal Economic Enterprise and Development Office (MEEDO)/Terminal bago bumiyahe upang maiwasan nila ang delay sa checkpoint.
Para naman sa kaugnay na concern, maaari silang makontak sa numerong 0998-988-0501.
Discussion about this post