Sa pamamagitan ng isang resolusyon, nais ng Sangguniang Panlalawigan na magkaroon ng malaking papel ang mga opisyal ng Barangay at mga Alkalde kaugnay ng pagbibigay ng tamang impormasyon sa COVID-19 vaccine.
Ayon kay Ferdinand Zaballa, Liga ng mga Barangay President at Ex-Officio Board Member, maraming maling impormasyon ang kumakalat sa social media ukol sa COVID-19 vaccine na maaaring makaapekto sa kagustuhan ng mga mamamayan na magpabakuna.
“Marami kasing misconception ang bakuna. Alam naman natin ang bakuna is preparasyon yun para hindi kana tamaan nung sakit…so ngayon maraming haka-haka. May makikita ka sa Facebook…kahit pabiro pero sa mga taong hindi gaanong nabibigyan ng impormasyon ah nagkakatotoo. Isipin mo may makikita ka injection-an ng bakuna pagkatapos maya-maya nag-i-intsek na tapos sa parting Europe maraming senior citizen ang namatay allegedly… Yung iba ayaw daw nila magpabakuna kasi hindi daw ito sigurado [kasi] minadali daw ito.”
Ang mga impormasyong gagamitin naman ng mga Lokal na Pamahalaan sa information-dissemination campaign ay magmumula umano sa Department of Health (DOH) upang hindi malihis sa kanilang pagpapaliwanag.
“Maggawa sila ng isang komprehensibong education campaign sa ating mamamayan tungkol sa bakuna at bago naman nila yun gawin eh merong roll off ang Department of Health katulong ang DILG. E-equip o ica-capacitate yung mga personalities [at] yung mga information people para mabigyan sila [ng] tamang impormasyon tungkol sa bakuna at ang gagawin ng local chief executive is mag-create man lang ng information team tungkol sa bakuna. At masusi nilang ikutin ang mga bara-barangay to see to it yung ating mga kabarangay ay handa dito sa bakuna at mawala ang haka-haka o yung agam-agam nila.”
Sinang-ayunan naman ito ni 2nd District Board Member Sharon Abiog-Onda at pinaalalahanan nito na maging mapanuri ang mga LGUs sa pagkuha at pagbigay ng impormasyon kaugnay sa bakuna.
“Just a reminder to the Local Government Units to carefully conduct research. Carefully study about the efficacy of vaccines to be purchased since this will cost the life of a constituent, of the people of the province of Palawan.”
Discussion about this post