Opisyal nang nagsisilbing Provincial Government Department Head (Provincial Planning and Development Officer) si Gng. Sharlene D. Vilches sa Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) ng kapitolyo, simula pa noong Agosto 16, 2023.
Ipinahayag ito matapos siyang humarap sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa kanilang regular na sesyon noong Agosto 29, kung saan pinangunahan ito ni Bise Gobernador Leoncio N. Ola bilang presiding officer upang opisyal na italaga sa kanyang posisyon sa nasabing tanggapan.
Naging Officer-in-Charge (OIC) ng PPDO si Vilches ng mahigit isang taon bago siya ganap na nanumpa bilang full-fledged Provincial Planning and Development Officer.
Kasabay nito, dumalo si Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) Officer-In-Charge Rolando B. Buñi upang opisyal na ipakilala si Vilches sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.
Discussion about this post