Arestado ng awtoridad ang wanted person at Rank no. 5 ng municipal level sa Brgy 2, Roxas, Palawan noong oktobre 2, 2021.
Kinilala ang suspek na si Felix Vigonte Valoroso, 69 anyos, may asawa, at residente sa Brgy. Dalayawan, Araceli, Palawan.
Inaresto ang suspek ng PALCIT RID, Roxaa MPS, 401st B MC RMFB, at 3012nd AISS301301 SMG 300 AISW RSCG sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Hon. Judge Paul B Jagmis, Presiding Judge ng Regional Trial Court Palawan Branch 164 na may petsang Pebrero 5, 2018 sa kasong Child Abuse under Section 10 (a) of R.A 7610.
Kinakailangan naman makapaglaan ng piyansa sa kaso ang suspek sa halagang P80,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Nasa kostudiya na ng PNP ang suspek para sa tamang desposisyon.
Discussion about this post