Matagumpay ang ginawang community outreach program ng Cuyo Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PLT. Marvin Herrera, hepe ng Cuyo PNP, kasama ang mga tauhan nito.
Nagkaroon umano ng Arrozcaldo feeding program (Kusina ni Sir Chief) na ginanap sa Barangay Catadman, Cuyo, Palawan nitong nakalipas na Huwebes, Enero 3.
Ayon kay Herrera, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa komunidad ay matagumpay na naisagawa ang nasabing feeding program para sa mga kabataan ng nasabing bayan.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang kanilang ginagawang Comelec checkpoint sa bayan at wala naman naitatalang lumabag sa batas sa kasalukuyan.
Discussion about this post