Sa patuloy na ginagawang intensified focus military operations sa pinagsanib pwersa ng Joint Task Force Peacock sa pangunguna ni BGEN JIMMY D LARIDA PN, Marine Battalion Landing Team-3 kasama ang mga tauhan ng western command (WESCOM) narekober sa Sitio Bayugon, Brgy Tinitian, Roxas, Palawan. Nito lamang Enero 11 ang mga kagamitan na pinaniniwalaang pag-aari ni Communist Terrorist Group Leader Sonny Rogelio alyas Miggy /Miguel/Samuel/Terrence/Wendy/Ting/Macy.
Narekober ang mga sumusunod:
• 1 M14 rifle
• 6 M14 magazines
• 9mm magazine
• 111 rounds of 7.62mm ammunitions
• 6 rounds 5.56 ammunitions
• 10 rounds of 9mm ammunitions
• 15 rounds of cal22 ammunitions
• Close Combat Optic
• 1 notepad
• 1 mobile phone
• 1 battery charger of ICOM
• 5 pocket wi-fi
• 1 power bank
• two hundred eighty pesos (Php 280.00) cash
• 1 thermometer,
• 2 simcards
• 1 thermal blanket
• 1 improvised battery pack
• 1 back pack
• 1 CTG suspender
• 1 solar panel,
•assorted CTG clothings
• Assorted medicines
• Terrorist propaganda materials.
Sa tulong ng community at suporta ng Palawan Task Force – Ending Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) at sa sunod sunod na pagsuko ng mga makakaliwang grupo noong taong 2021 ay tatlo na ang sumuko at isa na lamang ang pinaghahanap ngayon ng awtoridad.
“With the collective efforts and support from the populace, the PTF ELCAC initiatives helped us achieve our shared goal towards lasting peace and sustainable development. The past half century of the CTG deception and terrorism must be put to an end. Armed struggle was and will never be the solution,” ayon kay BGEN LARIDA
Muling hinihikayat nito ang naiiwang Communist Terrorist Group leader na si Miggy na sumuko na sa pamahalaan nang sa ganoon ay matamasa nito ang tulong programa ng pamahalaan.
Discussion about this post