Inanunsyo ng Department of Health – Center for Health Development ng MIMAROPA na nakapagtala ito ng dalawampu’t walong panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Base sa COVID-19 tracker ng CHD MIMAROPA, isa ang bagong kasong naitala mula sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro habang ang dalawampu’t pito naman ay mula sa Occidental Mindoro.
Sa lalawigan naman ng Palawan, nananatili sa labing dalawa ang bilang ng mga indibidwal na nasa ilalim ng kategoryang “suspect cases” kung saan dalawa sa mga ito ang naka-quarantine habang ang sampu naman ay naka-admid sa mga ospital.
Patuloy namang pinapayuhan ang lahat na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng precautionary measures tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol, pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapanatili ng social distancing at iba pang health protocols na ipinatutupad upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na virus.
Discussion about this post