Nagsagawa ng inspeksyon at nagbigay ng agarang medical assistance, gamot at sapat na emergency inhalation ang mga kawani ng Department of Health (DOH) para sa mga apektadong residente sa oil spill mula sa motor tanker dala ng paglubog ng MT Princess Empress sa karagatang sakop ng bayan kamakailan.
Nagbigay rin ng protective equipment ang DOH sa mga rumeresponde sa sitwasyon.
Ang mga nabanggit na kagamitan at tulong ay ibinigay ng DOH sa isinagawang onsite inspection ni Officer-in-Charge (OIC) Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire sa Oriental Mindoro.
Nanawagan si Vergeire sa sama-samang pagtugon ng mga kaugnay na ahensya at lokal na gobyerno sa oil spil lalo na at ang kapaligiran ay pangunahin sa mga nagtatakda ng kalusugan ng mga mamamamayan.
Discussion about this post