ODIONGAN, Romblon — Ang Department of Labor and Employment (DOLE) – Romblon Field Office ay kabilang sa nagkasa ng malawakang job fair kasabay ng selebrasyon ng ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Sa rehiyong Mimaropa, napiling idaos sa bayan ng Odiongan, Romblon at San Jose, Occidental Mindoro ang nasabing aktibidad.
Ang job fair ay idinaos ngayong araw sa covered court ng Romblon State University-Main campus sa Odiongan, Romblon, 8:00 a.m-5:00 p.m.
Ayon kay Carlo Villaflores, provincial director ng DOLE sa Romblon, iba’t ibang trabaho ang maaaring aplayan ng mga job seekers kagaya ng production machine operators, production worker/factory workers, customer service representatives, call center agents, sewers, sales clerks, cashiers, delivery crews, service crews at marketing officers.
May international job vacancies rin na pwedeng aplayan gaya ng cleaners, professional nurses (general), waiters/waitresses, service crews, company drivers, registered midwives, staff nurses, English teachers (Japan), janitress, barista, technicians (general), at nursing aides.
Inaasahan na maraming mga aplikante ang makakahanap ng trabaho at mayroon ding maha-hire on the spot basta’t kompleto ang mga requirements na maisusumite sa employer o kumpanyang inaaplayan gaya ng resume, 2 x 2 ID pictures, photocopy ng training certificates, PRC license, diploma at certificate of employment kung saan dating nagtrabaho. (DMM/PIA-MIMAROPA/Romblon)
Discussion about this post