Sisiguraduhin ng Police Regional Office-Mimaropa na magigng mapayapa ang halalan sa buong rehiyon.
Ayon kay Police Major Clyde Kalyawen PRO-Mimaropa, sa ngayon umano ay wala pa silang hawak na validation mula sa COMELEC partikular ba sa mga area of concern.
“Yung areas of concern po sa ngayon ay inaantay pa namin yung validation ng COMELEC. Ganun pa man zero-election related incidents pa din po ang buong Mimaropa. Intensified po ang deployment ng buong kapulisan at sisiguraduhin po namin na magiging mapayapa at orderly ang local campaign at election period,” ani PMaj.Kalyawen.
Samantala, aasahan na agad silang maglalabas ng inpormasyon sa oras na mayroon ng validation mula sa comelec at clearance.
Sa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan, ay patuloy ang ginagawang Comelec Check point katuwang ng Philippine National Police ang Armed Forces of the Philippines sa pagbabantay sa siguridad ng mamamayan sa buong Palawan.
Discussion about this post