Arestado ang dalawang lalaki ng awtoridad sa Brgy. Apoc Apoc, Aborlan, Palawan ganap na 4:30 PM Setyembre 23, 2021 sa paggamit ng chainsaw.
Kinilala ang dalawang suspek na sina Salvani Dagayan Salvador, 42 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Apoc-Apoc, Aborlan at si Lino Salarsa Escoton, 52 anyos may asawa chainsaw operator at residente ng Brgy. Jose Rizal, Aborlan.
Sa ulat ng Aborlan Municipal Police Station, nagsagawa ng operasyon ang Pulisya sa Sitio Apis, Brgy. Apoc Apoc at naaktuhan ang 2 suspek na gumagamit ng chainsaw. Agad silang hinanapan ng kaukulang dokumento ngunit walang maipakita ang mga ito.
Nakumpiska sa kanila ang 1 unit ng STIHL chainsaw. Mahaharap ang mga suspek sa violation of Section 7 (4) RA 9175 (Chainsaw Act of 2002).
Discussion about this post