Namigay ng relief goods at bitamina ngayong araw ang mga kawani ng Commission on Human Rights- Palawan Provincial Office (CHR-PAO), katuwang ang Apostolic Vicariate of Taytay-Social Action Center (AVT-SAC), sa mga batang IPs sa ilang barangay sa Bayan ng Taytay na apektado ng COVID-19 pandemic.
Unang isinagawa ang programa sa Sitio Pananagueman, Brgy. Pancol kung saan naging benepisyaryo ang 39 mga bata, sumunod naman sa Sitio Old Pancol sa nabanggit pa ring barangay at mayroong 11 batang tumanggap ng ayuda.
Sunod na tinungo ng team ang Sitio Caniolan, Brgy. Old Guinlo at nabigyan ng relief goods ang 50 mga bata at sa huli ay ang Sitio Ipil, Brgy. Bato.
Sa kabuuan ay mayroong 150 na mga batang Tagbanua na nag-eedad apat hanggang 16 ang nakinabang sa relief operation ng CHR-Palawan at AVT-SAC.
Ayon sa Officer in Charge ng CHR-PAO na si Marilou Sebastian, mga bata at kabataang IPs ang napiling mabigyan nila ng tulong dahil ang nasabing sektor ang kadalasang nakakaligtaan o hindi nabibigyan ng tulong kaya sila ang binigyan nila ng importansiya.
Discussion about this post