QUEZON, PALAWAN — Timbog ang dating drug surrenderee sa tahanan nito matapos magsagawa ng search ang mga otoridad sa bayan ng Quezon, Palawan, Hulyo 19.
Kinilala ang suspek na si Jay Alforte, 36 anyos, at residente sa Purok Cherry Blossom, Barangay Alfonso Trese, Quezon, Palawan.
Sa pinagsanib puwersa ng Quezon MPS at PNP Maritime Quezon nasabat ang dalawang pakete ng pinaniniwalaang ilegal na droga sa tahanan nito.
Kasong paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerious Drug Act of 2002 ang haharaping kaso ng suspek .
Discussion about this post