Masayang ibinahagi ni reelectionist Sen. JV Ejercito na sa mga darating na buwan ay mararamdaman na ng mga Palaweño at buong Pilipino ang epekto ng batas na kung saan lahat ng Pilipino ay automatic na miyembro na ng PhilHealth lalo na ang mga Indigenous People (IP) o ang Universal Health Care Law.
“As chairman of the Senate committee on health we just passed the Universal Health Care Law that’s a landmark legislation that’s one good news that I’m bringing to Palawan right now na pagkatapos ng Implementing Rules and Regulations (IRR) anytime soon mapapakinabangan rin na ng lahat dahil land mark ito dahil ibig sabihin nito lahat ng Pilipino, basta Pilipino ka ay automatic gagawing myembro ng PhilHealth, everybody will be covered by National Health Insurance lahat aakuan ng assistance,” pahayag ni Ejercito
“…Sila [Indigenous People] ay parte na rin nito dati kasi yung contributory lang ung regular members lang ang nakakakuha ng assistance basta naghuhulog ka ng premium pero ngayon yung 65% ng population yan po ang senior citizen sama po natin ang Persons with Disabilities sama na din natin ang IP (Indigenous People) we consider the IPs as one of the poorest in the sector kasama na po ang IPs sa cover ng national insurance ng PhilHealth,” Saad nito.
Dagdag pa ni Ejercito magkakaroon na din ng mga libreng check up at basic laboratory tests sakop ng PhilHealth na isa sa mga benepisyo na makukuha sa nasabing batas.
“We want to strengthen the primary care and preventive side of the universal health care law kasi very important yan kesa lumala ang sakit dapat regular ang check ups kaya lng very prohibitive ang laboratory test at doctor kaya bihira ang nag papacheck up ng regular kaya ang magandang balita through the Universal Health Care law checkups and basic laboratory test will now be also covered by PhilHealth so libre na [checkups and basic laboratory test] taon-taon pwede na,”.
Ang Universal Health Care Law o UHC ay napiramahan ni pangulong duterte noong Pebrero 20, 2019.
Discussion about this post