Muling pinangunahan ni Mayor Lucilo Rodriguez Bayron ang paglilibot sa 10 proyektong pinasinayaan at walong proyektong idinaos ang groundbreaking ceremonies nitong Mayo 23 hanggang 24. Ang mga proyektong ito ay naganap sa iba’t ibang barangay mula rural hanggang urban. Kahit na matindi ang init ng panahon sa Puerto Princesa, hindi ito naging hadlang sa mga aktibidad.
Sa Brgy. Tanabag, pinatotohanan ng alkalde ang kanyang pamagat bilang “Kampeon ng mga Estudyante” sa pagdaragdag ng isang Standard Day Care Center na pinondohan ng ₱2,655,700.00. Samantala, sa Brgy. San Jose, naglaan ng ₱5,237,599.62 para sa RC Box Culvert sa Santol Road upang mapabuti ang daluyan ng maruming tubig. Dagdag pa rito, ang renovation ng San Jose Terminal Building – Offices na nagkakahalaga ng ₱57,307,322.15 ay magbibigay-daan sa paglilipat ng mga opisina tulad ng LTO, PCSO, LTFRB, at MARINA.
Bukod dito, pinagtutuunan din ng pansin ng Mega Apuradong Administrasyon ang drainage system mula NAPOCOR Road hanggang San Manuel Sea Road II na may pondong ₱18,479,300.00. Ang pag-aspalto ng Manalo Street mula H. Mendoza hanggang Fernandez Street ay magaganap sa ilalim ng City Engineering Office na may pondong ₱7,815,296.47. Isasakatuparan na rin ang GSO Warehouse with RC retaining wall na nagkakahalaga ng ₱15,331,462.55. Isa sa malaking proyekto ang Zipline o Spiral Towers sa Brgy. Sta. Monica na nagkakahalaga ng ₱49,658,258.48.
Sa mga natapos nang proyekto, ang pantalan sa Brgy. Buenavista na nagkakahalaga ng ₱9,743,238.67 ay magagamit na ng mga mamamalakaya. Ang pampublikong pamilihan sa Brgy. Salvacion na ginastusan ng ₱59,217,619.14 ay magpapalakas sa negosyo sa bahaging norte ng siyudad. Ang drainage outfall sa Brgy. Tagburos na nagkakahalaga ng ₱11,328,448.87 ay makakatulong sa kalinisan mula sa slaughterhouse. Sa City Employees Village, ang drainage system na may halagang ₱10,159,928.30 ay makakatulong sa pagsala ng maruming tubig. Ang konkretong kalsada mula Valencia Manalo hanggang Parola Road ay nagkakahalaga ng ₱19,257,342.16. Ang kalsada patungong Puting Buhangin ay nagkakahalaga ng ₱9,852,080.51, at ang daan mula Purok Katiwasayan hanggang Purok Kaunlaran sa Brgy. Luzviminda ay nagkakahalaga ng ₱23,917,988.69.
Para sa sports enthusiasts, ang Ramon V. Mitra, Jr. Sports Complex ay nagdagdag ng pampublikong palikuran na may shower sa swimming pool area na nagkakahalaga ng ₱4,857,626.00. Ang indoor sports court ay nagkaroon ng lay by, parking, at sidewalk na nagkakahalaga ng ₱3,076,956.63. Ang Balayong Park Road Network at Drainage System ay nagkakahalaga ng ₱19,496,004.07.
“Mahalaga sa akin na mabigyan ng maayos na pamumuhay ang lahat, malayo man o malapit sa sentro ng siyudad ang inyong lugar. Hangad ko lamang na maging inspirasyon rin ng mga susunod na lider gaya ng mga kabataang ito na makita nila ang legasiya ng Serbisyong Bayron na ang pangarap ay ang pag-angat at progreso ng lungsod na lahat ay kasama at walang maiiwan,” ang mensahe ni Mayor Bayron.
Kasama ni Mayor Bayron sa mga seremonya sina Konsehala Judith Raine Bayron, Konsehal Patrick Hagedorn, Kon. Herbert Dilig, Kon. Elgin Damasco, Kon. Jonjie Rodriguez, Kon. Victor Oliveros, Kon. Laddy Gemang, at Kon. Karl Dylan Aquino. Naging espesyal na panauhin sina dating konsehal Erwin Edualino, dating konsehal at Deputy Mayor Roy Ventura, at mga miyembro ng City Youth Development Office. Naroon din ang suporta ng iba’t ibang departamento ng pamahalaang panlungsod tulad ng City Planning and Development Office, City Engineering Office, General Services Office, at City Architect’s Office.
Discussion about this post