Duguan at wala ng buhay ang isang lalaki nang matagpuan sa Purok Magsasaka, Barangay Danleg, Dumaran, Palawan kahapon, ika-21 ng Setyembre, 2021.
Kinilala ang biktima na si Miguel Gallego Arzaga, a.k.a. “Mike”, 42 anyos, widower, magsasaka at residente sa Purok Boligay ng nasabing bayan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Dumaran PNP, pagitan ng ala 1:00 hanggang alas 6:00 ng umaga nasa kalsada ang katawan ng biktima. Ayon rin sa ilang mga residente, nagtamo ng dalawang saksak ito sa likod.
Dinala na sa Vice Governor Francisco F. Ponce De Leon Memorial Hospital ang biktima at isasailalim sa post-mortem examination.
Nagsagawa na rin ng follow-up investigation at manhunt operation ang PNP upang matukoy at madakip ang hindi pa nakikilalang suspek.
Discussion about this post