Wala ng buhay ng matagpuan ang lalaki sa dalampasigan sa Barangay Poblacion, Bayan ng Taytay, ganap na 8:30 AM kahapon, Oktubre 25.
Kinilala ito na si Ricardo Suarez Castroberde, 49 anyos, at residente din ng lugar.
Sa paunang imbestigasyon, may nakakitang concerned citizen ang nakakita na may lalaking nakahiga sa dalampasigan. Huling nakita si Suareza ng anak nito mga 8:00 PM, Oktubre 24 na naglalakad sa dalampasigan na bitbit ang nakakalasing na inumin.
Inuusisa pa din ng Taytay Municipal Police Station ang bagay na ito at nakipag-ugnayan na rin ang imbestigador sa Taytay Rural Health Unit para isailalim sa autopsy examination ang bangkay.
Discussion about this post