Sumuko na sa pamahalaan ang isang lider ng makakaliwang grupo ng New People’s Army na si Jose Maria D. Masong alyas Ka Degret, Ling, at James, 32 anyos, residente sa Sitio Barongbong, Brgy Port Barton, San Vicente, Palawan nitong Enero-6.
Batay sa report ng 3rd Marine Brigade, pangalawa si Masong sa listahan na pinaghahanap ng pamahalaan matapos ang validation ng 2021.
Ayon sa commander ng 3rd Marine Brigade na si Brig. Gen. Jimmy Larida isa na lang ang pinaghahanap ngayon ng otoridad na si Sonny Rogelio alyas Ka-Miggy/Samuel/Troy at Ka Miggy.
Si Masong ang leader ng mga rebelde sa engkuwentrong naganap noong Disyembre 10, 2021 at tumakas siya ng malaman na isa sa miyembro nila ang nasawi.
Meron din itong warrant of arrest sa kasong murder na walang pyansa.
“This accomplishment is a result of an intensified campaign of PTF-ELCAC and hard work of our men in the ground through continuous conduct of Community Support Program (CSP) and joint Internal Security Operation (ISO) in the area of Palawan,” saad ni BGen Larida.
Hinihikayat naman nito ang mga naiwan pang armadong rebelde na sumuko na at ganap ng magbagong buhay sa tulong E-CLIP program ng Department of the Interior and Local Government (DILG), at makapiling na nila ang kani-kanilang pamilya.
Discussion about this post