ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

Mga opisyal ng bayan ng Kalayaan, ikinalungkot na may ilang Pilipino pa rin ang hati ang opinyon sa WPS

Lance Factor by Lance Factor
February 13, 2026
in Provincial News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Mga opisyal ng bayan ng Kalayaan, ikinalungkot na may ilang Pilipino pa rin ang hati ang opinyon sa WPS

From left to right: SB Members Roberto Asiado, Francis Polizon, at Monico Abogado || Photo by PDN staff

Share on FacebookShare on Twitter

RelatedPosts

Cong. JCA, sinabing malapit nang makauwi ang 24 Palawenyong mangingisda na nakapiit sa Kota Kinabalu

Gov’t greening programs plants 130,000 jackfruit in Rizal, Palawan

Commodore Jay Tarriela ng PCG, binigyang-diin ang kahalagahan nang pagpapalaganap ng tamang impormasyon kaugnay sa isyu sa WPS

Print Friendly, PDF & Email
Hindi nabahala ang mga opisyal ng bayan ng Kalayaan sa naging hakbang ng Chinese Embassy sa Pilipinas na i-ban sila sa pagpasok sa China, kabilang ang Hong Kong at Macao. Ang kanilang ikinalungkot ay ang pagiging hati ng opinyon ng ilang Pilipino sa usapin sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang press conference nitong Miyerkules, Pebrero 11, sa opisina ng Kalayaan Extension Office sa Barangay San Jose, sinabi ni Sangguniang Bayan (SB) Member Francis Polizon na may ilang Pilipino pa rin ang hindi sang-ayon o hati ang pananaw sa mga hakbang ng pamahalaan upang protektahan ang teritoryo ng bansa sa WPS.

“Sabe nga sa survey 83 percent ng mga Pilipino ang naniniwala o sang-ayon sa ginagawa ng gobyerno [ng Pilipinas] towards sa West Philippine Sea. Masaya ‘no? ang laki, 83 percent out of 100. Pero malungkot pa rin ako sa side na ‘yun, alam mo kung bakit? Kasi may 17 percent. Gusto ko tanungin asaan ang 17 percent? Bakit 83? Bakit may 17 na hindi sila sang-ayon sa ginagawa ng gobyerno. That’s a question eh,” saad ni Polizon.

Ang tinutukoy niya ay ang ginawang survey ng OCTA Research na kinumisyon ng Armed Forces of the Philippines noong nakaraang taon. Batay kasi sa survey na tumagal noong Setyembre 25-30, mahigit 83 percent umano ng Pinoy ang sumusuporta sa pahayag na ang West Philippine Sea ay mahalagang bahagi ng karapatang pandagat ng Pilipinas, at buong pusong sinusuportahan ng sumagot sa survey ang pagsisikap ng bansa na pangalagaan at igiit ang mga karapatang soberanya sa teritoryong ito.

Ayon pa sa resulta, dalawang porsyento ang hindi sumagot, habang 14 porsyento naman ang nagsabing wala pa silang tiyak na desisyon. Tinanggap naman ng pamunuan ng AFP ang resulta ng naturang survey.

Dagdag pa ni Polizon, patuloy silang maninindigan at gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang ipakita ang suporta sa pamahalaan at igiit ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“Again, kahit magmukha po tayong…paulit-ulit nating sabihin na atin ang West Philippine Sea na malinaw naman sa dagat — malinaw naman sa dagat na atin ang West Philippine Sea na atin talaga yon, gagawin at gagawin natin yon. Hindi tayo titigil hanggang sa huling hininga ko, namin sa amin po.”
Tags: Kalayaan Extension OfficeOcta ResearchSB Member Francis PolizonWest Philippine Sea (WPS)
Share2Tweet1
ADVERTISEMENT
Previous Post

10-foot saltwater crocodile captured in Balabac after deadly attack

Next Post

Moving beyond the ‘weak generation’ myth

Lance Factor

Lance Factor

Related Posts

Cong. JCA, sinabing malapit nang makauwi ang 24 Palawenyong mangingisda na nakapiit sa Kota Kinabalu
Provincial News

Cong. JCA, sinabing malapit nang makauwi ang 24 Palawenyong mangingisda na nakapiit sa Kota Kinabalu

March 2, 2026
Gov’t greening programs plants 130,000 jackfruit in Rizal, Palawan
Environment

Gov’t greening programs plants 130,000 jackfruit in Rizal, Palawan

February 28, 2026
Commodore Jay Tarriela ng PCG, binigyang-diin ang kahalagahan nang pagpapalaganap ng tamang impormasyon kaugnay sa isyu sa WPS
Provincial News

Commodore Jay Tarriela ng PCG, binigyang-diin ang kahalagahan nang pagpapalaganap ng tamang impormasyon kaugnay sa isyu sa WPS

February 28, 2026
Two rare leopard cats headed for rehab
Provincial News

Two rare leopard cats headed for rehab

February 28, 2026
Declaration of Rasa Island Wildlife Sanctuary as a national protected area pushed
Environment

Declaration of Rasa Island Wildlife Sanctuary as a national protected area pushed

February 26, 2026
LGU Kalayaan target na makalipat sa ipinatayong municipal building sa Brgy. Berong, Quezon, sa Oktubre
Provincial News

LGU Kalayaan target na makalipat sa ipinatayong municipal building sa Brgy. Berong, Quezon, sa Oktubre

February 24, 2026
Next Post
Strip the money and see who still files candidacy

Moving beyond the 'weak generation' myth

Lokal na pamahalaan ng Kalayaan sa ipinataw na travel ban sa kanila ng China: ‘This is part of intimidation’ 

Lokal na pamahalaan ng Kalayaan sa ipinataw na travel ban sa kanila ng China: 'This is part of intimidation' 

Latest News

Faulty electrical wiring, nangungunang sanhi pa rin ng sunog ayon sa BFP

Faulty electrical wiring, nangungunang sanhi pa rin ng sunog ayon sa BFP

March 11, 2026
INC reaffirms commitment to responsible mining and regulatory compliance following Senate hearing on March 9, 2026

INC reaffirms commitment to responsible mining and regulatory compliance following Senate hearing on March 9, 2026

March 10, 2026

Pro-Hiker mula PPC, patay matapos mahulog sa Taraw Peak sa San Rafael

March 8, 2026
Mega Gloryoung International (MGI) to launch eyewear products on March 10 in Puerto Princesa

Mega Gloryoung International (MGI) to launch eyewear products on March 10 in Puerto Princesa

March 6, 2026
Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

March 5, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15240 shares
    Share 6096 Tweet 3810
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11685 shares
    Share 4674 Tweet 2921
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10300 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10000 shares
    Share 4000 Tweet 2500
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9735 shares
    Share 3894 Tweet 2434
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us