Duguan at wala ng buhay ang mag-ina na pinaslang sa Sitio Upper Bubog, Barangay Amas, Brooke’s Point, Palawan, ganap na 1:00 AM nitong January 2.
Labing-pitong (17) taong gulang at mahigit isang taong gulang naman na batang lalaki ang pinaslang ng umano’y Padre de pamilya na si Arnel Abit, labing-walong taong gulang, isang magsasaka.
Natagpuan ang ina ng bata na may mga taga sa iba’t-ibang parte sa katawan at putol pa ang kamay na posibleng nanlaban. Wala na rin suot pang-ibaba ang biktima na maaring hinalay pa ito.
Napag-alaman din na kapag nag-aaway di umano ang mag-asawa ay pinagbuhatan ng kamay ng suspek.
Sa ginawang imbestigasyon ng PNP Brooke’s Point, mayroon ng ebidensya na nakapagturo at testigo kung kaya’t dinakip na ang suspek na ngayon ay nakakulong na sa piitan.
Discussion about this post