Inatasan ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang mga Local Government Units (LGUs) na magtatag ng mga Electronic Palengke (E-palengke) para sa kanilang komunidad sa ilalim ng Proposed Resolution No. 154-21.
Ito’y upang makatulong na mapalago ang kanilang ekonomiya ngayong panahon ng pandemya at upang makaiwas na rin sa pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Board Member Eduardo Modesto V. Rodriguez na siyang may akda ng nasabing resolusyon, ito ay dahil na rin sa mga hinaing ng ilang mga local citizens hinggil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan dahil na rin sa local transmission.
Isa umano sa pwede nilang ihain ay ang pagtayo ng mga E-Palengke sa bawat LGU sa pamamagitan ng Municipal Economic Enterprise and Development Office (MEEDO) at ng public-private participation.
“Ito ay ang malaking bagay na maitutulong sapagkat sa halip na ang mga local citizens ang pumunta pa sa palengke and thru the intervention of Local Government Units, malaki ang maitutulong para sa ganun mismo, yun na lang ang magdi-distribute ng kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.” Ayon pa kay Board Member Rodriguez.
Samantala, kasado na rin sa huling pagbasa sa 91st Regular Session ng Sangguiang Panlalawigan ang nasabing resolusyon ng Bokal.
Discussion about this post