Nagkabangaan ang isang motorsiklo at isang dump truck sa bahagi ng Brgy. Bunog Rizal, Palawan ganap na 11:55 kahapon ng umaga ika-16 ng Setyembre taong kasalukuyan.
Sakay sa motorsiklo na Rusi 150 ang 17 anyos na siyang driver, tatlong angkas nito na pawang mga menor de edad, at si Havivi Bituin Badayao, 21 anyos at residente sa Brgy. Bunog ng nasabing bayan.
Ang driver naman ng dump truck ay kinilala na si Arnold Aloro Jurilla, 35 anyos, may asawa, driver, at residente sa Brgy. Quilogan, Quezon, Palawan.
Sa initial na imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng Rusi ang kahabaan ng National Highway Brgy. Bunog mula norte patunong timog habang ang truck naman ay mula timog papuntang norte nang mawalan ng control ang motorsiklo dahilan upang bumangga ito sa dump truck.
Nagtamo ng pinsala sa katawan ang driver ng motor at tatlong kasamahan nito na agad din naisugod sa Rizal District Hospital upang malapatan ng paunang lunas.
Samantala, nasa kostudiya na ng Rizal PNP ang dump truck at motorsiklo at patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nangyaring aksidente.
Discussion about this post