Nakahanda na ang Palawan Provincial Police Office sa darating na eleksyon sa Mayo. Paiigtingin ng kapulisan ang pagbabantay sa lahat ng munisipyo upang makamit ang peace and order maging ang pagbantay sa COMELEC-PNP checkpoints.
Ayon kay Lt. Col. Lawrence Battaler, Provincial Police Management Unit Chief, noong nakaraang taon ay nagkaroon na ng inisyal na preparasyon ang PNP kasama ang Provincial Comelec.
Noong Enero 9, nagsimula nang ipatupad ang Comelec Gun Ban sa lahat ng munisipyo sa lalawigan at bawat munisipyo ay naka-monitor umano ang PPO ng 24/7 kasama ang lahat ng hepe sa iba’t-ibang unit ng kapulisan sa Palawan.
Sa ngayon ay wala pa umanong naitalang ano mang paglabag sa nasabing gun ban simula ng ipatupad ang checkpoints sa mga munisipyo. Dagdag ni Bataller ay may mga Intelligence Monitoring personnel ang PNP para maiwasan ang ano mang puwedeng mangyari sa eleksyon.
Nilinaw din ng PPO sa ngayon ay wala namang “hotspot” na binabantayan ang PNP at lahat naman ng munisipyo ay patuloy ang seguridad na ligtas at walang maitatalang gulo.
“100 porsyento na ang paghahanda ng ating kapulisan at patuloy na pagbabantay sa peace and order,” ani Bataller.
Dagdag pa ng opisyal ay binabantayan din nila ang pagkakaroon ng “gun-for-hire” na magagamit sa karahasan sa darating na eleksyon. Anya, ang lahat ng mga dumadaan na motorista ay kanilang masusing sinusuri at hinahanapan ng dokumento at kung kahina-hinala, ay mayroon naman nakatalaga upang sa sumailalim sa imbestigasyon.
Hinikayat din niya ang mga may-ari ng baril na kung sumapit na ang petsa ng pagkawalang bisa ng kanilang dokumento sa kanilang mga baril ay maari nila na pansamantala munang i-surrender ito sa awtoridad upang sa ganun makaiwas din sila sa posibleng kaso.
Discussion about this post