ARACELI, PALAWAN — Dalawang mangingisda sa bayan ng Araceli ang nakakita ng isang walang buhay na dugong sa Sitio Tagaytay, Barangay Dalayawan sa nasabing bayan nitong alas otso ng umaga, Setyembre 6.
Ayon sa dalawang mangingisda na sina Nestor Calanday at Dennis Sabulao yung patay na dugong sa dalampasigan ay may haba ito ng 290 centimeters at 2.9 meters ang laki nito
Sa ekslusibong panayam ng Palawan Daily News kay Geofrey M. Aludia, Community Coordinator ng World Wide Fund for Nature – Philippines, sinabi nito na bago makarating sa kanila ang balita ay nai-report muna ito kay Kapitan Nilo Rabang at agad naman nilang pinuntahan sa lugar kasama ang DENR ang nasabing patay na dugong.
Nagkataon din na nasa lugar ang team nito dahil sila ay sumasagawa ng mangrove assessment sa buong bayan ng Araceli.
Nakitaan naman nang sugat ang dugong sa kanyang nguso na maaring tinamaan ng elise habang ito’y nasa laot at napadpad naman sa dalampasigan.
“Sa aming pagsusuri ay may sugat ito sa kanyang nguso at sa tingin namin ngayong araw palang ito dahil sa sariwa pa yong dugo,” saad ni Ginoong Aludia.
Samantala, ang dugong ay nasa pangangalaga na ng barangay upang ilibing ito.
Ang dugong ay isang medium-sized na marine mammal na makikita sa mga tropical na baybayin sa South East Asia, kabilang na din dito sa Palawan. Ayon sa mga eskperto, unti unting nababawasan ang dami nito dahil narin sa mga elise at lambat na madalas naging sanhi ng kanilang pagkamatay.
Mayroong conservation program na inulunsad ang pamahalaan partikular ang DENR para pangangalagaan ang mga ito. Ayon sa DENR Administrative Order No. 55 na inilabas noong taong 1991, bawal saktan o patayin ang mga dugong. Ito rin ang kauna-unahang protected marine mammal sa bansa.
Discussion about this post