Sinunog ng nasa 15 na security guards ng isang pribadong kumpanya ang nasa 20 na kabahayan sa Sitio Bucal- Bucal, Barangay Guadalupe, Coron Palawan.
Sa panayam ng news team kay kapitan Inreco Sadang, naganap ang pagbabaklas at panununog simula pa nitong araw ng Lunes ika-23 ng Mayo, nagkaroon na daw ng pag-uusap noong 2019 at 2020 sa pagitan ng Northcrest Highland Ventures Corporation at mga tao na unang nagpatayo ng bahay.
“May pag-uusap na sa Barangay yung mga naunang nagpatayo ng barong-barong at saka ng kumpanya [Northcrest Highland Ventures Corporation] na nakabili ng lupa, noong 2019,” sabi ni Sadang.
Saad pa ng kapitan na ang kasunduang ito na anim na kabahayan lang ang puwedeng itayo at hindi rin sila puwede magtayo malapit sa ilog dahil flood prone area ang ito.
“Anim pa na barong-barong ang nakatirik doon ang pinagtayuan nila ay malapit sa ilog, sabi ko naman sa mga tao na kahit sakop pa yan ng ilog ay wala parin kayong karapatan magtirik ng bahay o barong-barong kasi prone po yan ng baha,” saad nito.
Dagdag pa ng kapitan na dahil na rin sa kasagsaga ng pandemya pinayagan ng kumpanya ang mga ito sa ilalalim na napag kasunduan.
“Ngunit sabi ng mga tao sa akin pandemic pa po kasi at kailangan din po namin magtanin ng mga gulay na makadugtong ng aming pangangailangan… ang sabi ng kumpanya kung yan ang magiging dahilan niyo ng dahil sa pandemic ay hindi pa kayo pwede umalis payag kami na nandyan kayo pero sa kasunduan na dapat hanggang anim na nahay lang,” dadag ng kapitan.
Samantala, umabot na sa dalawang daang (200) kabahayan na ang nakatayo sa lupa sa nasabing lupain.
Ayon pa sa Kapitan, ang mga ginibang bahay na sinunog ay yung mga walang tao.
“Nakiusap narin ako sa mga security guard ng kompanya na kung maari ay wagnilang sunugin kasi may mga gamit pa sa loob,” saad nito
Kaugnay niyan hiniling ni Kapitan sa mga illegal settler na gumawa ng salaysay at at kanilang lagda upang mailapit sa lokal na Pamahalaan.
Discussion about this post