ESPAÑOLA, Palawan-Patay ang isa sa mga sakay ng truck ng LGU-Bataraza matapos mawalan ng kontrol ang driver ng truck sa kahabaan ng national highway sakop ng Barangay Pulot Center, Sofronio Española, Palawan pasado 12:10 a.m. Agosto 7.
Kinilala ang nasawi na si Jeron Tombaga Sabdani, 22 anyos, at isang estudyante, habang ang driver ng truck ay kinilala na si Raul Ortilano Esteban, 51 anyos. Sa imbestigasyon ng Española Municipal Police Station nawalan umano ng kontrol ang driver dahil pakurba ang daan na naging dahilan nang pagbaliktad ng truck at ikinasawi naman ni Jeron dahil sa pagkaipit nito. Ligtas naman ang driver at ilang pasahero nito na ngayon ay nasa isang pagamutan.
Discussion about this post