Nadakip na ng mga alagad ng batas kamakailan ang isang taong ilang buwan na ring pinaghahanap ng batas dahil sa kasong Direct Assault upon Person in Authority.
Sa bisa ng ibinabang Warrant of Arrest ni RTC Branch 165 Presiding Judge Ramon Chito Mendoza ng Bayan ng Brooke’s Point noon pang Oktubre 4, 2019 ay tuluyan nang naaresto ang suspek sa Sitio Cumarong, Brgy. Sto. Nino, Bayan ng Araceli bandang alas tres ng hapon noong ika-5 ng Mayo.
Kinilala ang suspek na si Vicente Veluya Heredero, 38 taong gulang, single, isang construction worker at residente ng nabanggit ding lugar.
Inaresto ng Araceli Municipal Police Station (MPS) ang naturang personalidad sa pangungunahan ni PMaj. Aldrico Nangit, acting chief of police ng nasabing himpilan ng pulisya.
Samantala, ang kaso ni Heredero ay mayroong Criminal Case number 1282 at may recommended bail o piyansa ng halagang P12,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Discussion about this post