Arestado ang isang lalaki na wanted sa batas at Rank no. 6 Municipal Level ng Busuanga Municipal Police Station ngayong araw, Setyembre 30, 2021.
Kinilala ang suspek na si Amiel Hernandez Alarcon, 45 anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng Brgy. Salvacion, Busuanga.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Arnel P Cezar presiding judge ng RTC 163 fourth Judicial Region, Coron, Palawan nitong Hulyo 27, 2021 sa kasong robbery in an inhabited house or public building or edifice devoted to worship (RPC Art. 299).
Samantala kinakailangan makapagpyansa ng halagang 72,000,00 ang suspek para sa pansamantalang kalayaan nito.
Si Alarcon ay nasa kostudiya na ng PNP para sa kaukulang desposisyon.
Discussion about this post