ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

Bagong naordinahang pari na itatalagang parish priest sa isang parokya sa San Vicente, nais tutukan ang mga kabataan

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
August 21, 2020
in Provincial News, Religion
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Bagong naordinahang pari na itatalagang parish priest sa isang parokya sa San Vicente, nais tutukan ang mga kabataan
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Paghihikayat sa pagbabalik-loob ng mga kabataan ang isa sa mga nais na bigyang-pansin ng bagong naordinahang pari ng Apostoliko Bikaryato ng Taytay.

Ayon kay Rev. Fr. Albert A. Palay na ganap na naging pari noong Agosto 15 at itatalagang parish priest sa sa San Isidro Labrador Parish sa Port Barton, San Vicente simula Nobyembre 4, marami siyang nais isagawa para sa sambayanan ngunit sa ngayon, natatangi ang mithiin niyang “ilapit pa ‘yong mga kabataan…muli sa simbahan.”

RelatedPosts

Narra breaks ground on p52-million slaughterhouse

Parokya sa bayan ng Roxas, nanawagan ng hustisya para sa pinaslang na 19- anyos na lektor ng simbahan

Barko ng atin ito, dumating sa el nido para sa ikatlong misyon sa wps

“Ang mga kabataan po ay lumalayo na, gawa nga ng teknolohiya at iba pang makamundong bagay. Hindi na sila naniniwala sa pari, hindi na sila naniniwala sa simbahan at mas naniniwala sila sa sarili nilang naiisip kaya marami na po sa mga kabataan ang hindi na po nagsisimba,” aniya.

Isa sa nakitang solusyon ni Fr. Palay ay ang pagpapasiglang muli sa dati na ring programa ng Simbahang Katolika para sa mga kabataan, ang “Youth Encounter.”

“Marami na nga akong nabuong mga grupo ng mga kabataan na ngayon ay naglilingkod na sa simbahan. Ang sabi ko nga, kapag naordinahan ako, palalawigin ko pa ito— ‘yong programa para sa mga kabataan na tinatawag na Youth Encounter,” aniya.

Dagdag pa niya, aminado silang hindi na ganoon kaepektibo ang youth camp na dati-rati ay ginagawa sa Bikaryato. Sa deliberation at meetings umano nilang ginawa ay nakita nilang hindi na ito healthy at hindi na rin nakatutulong upang mahikayat ang mga kabataan kaya sa ngayon ay isinasagawa na lamang ito sa mga parokya.

“Lalo’t higit, kasi we have different personalities…kaya hindi helpful ito sa mga bata kaya nag-course through kami sa Youth Encounter na medyo mas intense at mas may lalim, mas effective sa kanila,” ani Fr. Palay.

Aniya, dati ay napapansin niyang pagkatapos ng Youth Camp ay hindi na niya nakikita pa ang mga kabataan sa simbahan, hanggang kasiyahan lang sila ngunit sa Youth Encounter ay nakikita niya ang kanilang pananatili.

“Ipinaliliwanag [namin] sa mga bata na kailangang mayroon silang sinasalihang grupo kung saan, sila ay nakakapag-serve sa Diyos…for example [maging] lecturer [o] sacristan [sila]—committed dapat sila sa grupong ‘yon with all their hearts,” ani Fr. Palay.

Sa ngayon, ibinahagi ng bagong pari ang kanyang kasiyahan at punong-puno ng pasasalamat matapos ang ordinasyon noong araw ng Sabado, Agosto 15 na isinagawa sa St. Joseph The Worker Cathedral sa Sitio Monte Vista, Brgy. Poblacion, Taytay, Palawan.

“Punong-puno po ako ng pasasalamat kasi nga po naghintay po ako ng matagal at sa ngayon, ito nga, hawak ko na…. Kinakabahan ako sa kung ano pa ang pwedeng mangyari, pero ang pinanghahawakan ko ngayon, kagaya ng pinanghahawakan ko noong nakaraang mga araw… ang Diyos ang tumawag, Siya ang bahalang gumawa ng paraan,” aniya.

Dahil naman sa kakulangan sa bilang ng kaparian sa buong probinsiya, nananawagan ngayon si Fr. Palay sa mga kabataang nagnanais na maglingkod sa Diyos na tahakin na ang landas ng pagpapari.

“Ang aking hiling sa mga kabataan na nagnanais na magpari ay ipaglaban nila ‘yong calling na iyon,” aniya.  “Sana kung may mga calling, tumuloy [kayo] sa seminaryo, maglingkod sa simbahan.”

Ang 32 anyos na pinakabagong pari ng Apostolic Vicariate of Taytay (AVT) ay tubong Cuyo, Palawan.

Matapos ang high school ay tumuloy si Palay sa pagpapari at nag-enroll ng kursong pilosopiya sa Seminario de San Jose sa Lungsod ng Puerto Princesa at nagtapos taong 2005. Nagpatuloy pa siya ng pag-aaral para ng Theology sa San Carlos Seminary sa Guadalupe, Makati at nagtapos  noong 2017.

Sumailalim naman siya sa pastoral works at community immersion sa iba’t ibang parokya sa Palawan bago maordinahan sa pagkadiakono noong 2018.

Sa taong ito, ay si Fr. Palay ang pinakaunang naordinahan sa pagkapari sa AVT. Noong nakaraang Marso naman ay may apat na naordinahan sa pagka-deacon na kung saan,  tatlo sa kanila ang maoordinahan na sa pagkapari sa susunod na buwan, habang  ang isa ay isasabay sa isa sa mga aktibidad ng bikaryato na kasama sa paghahanda sa ika-400 taong pagdiriwang ng pagdating ng kristiyanismo sa Palawan sa 2022.

Tags: Bagong parish priestBayan ng San Vicente
Share306Tweet191
Previous Post

Shop for Your Kids and Babies with SM’s Call-To-Deliver

Next Post

Analysis ni Casiple ukol sa suspension ni Danao, walang basehan

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan
Provincial News

Narra breaks ground on p52-million slaughterhouse

May 30, 2025
Auto Draft
Provincial News

Parokya sa bayan ng Roxas, nanawagan ng hustisya para sa pinaslang na 19- anyos na lektor ng simbahan

May 30, 2025
Pagmaya breaks ground on 7-star resort in balabac, palawan
Provincial News

Barko ng atin ito, dumating sa el nido para sa ikatlong misyon sa wps

May 28, 2025
Vm- elect gastanes, binanatan ang liga ng mga barangay: ” Mag move-on na tayo”
Police Report

Private chat confrontation ends in knife attack in narra, palawan

May 26, 2025
Vm- elect gastanes, binanatan ang liga ng mga barangay: ” Mag move-on na tayo”
Provincial News

19-year-old college students found dead in roxas river, suspected rape and homicide under investigation

May 26, 2025
Vm- elect gastanes, binanatan ang liga ng mga barangay: ” Mag move-on na tayo”
Provincial News

Mangingisda mula sa ppc, nawawala sa dagat ng mangsee; pcg nanawagan ng tulong

May 26, 2025
Next Post
Analysis ni Casiple ukol sa suspension  ni Danao, walang basehan

Analysis ni Casiple ukol sa suspension ni Danao, walang basehan

Palawan Provincial Board supports LGU Kalayaan for naming sandbars, reefs

Palawan Provincial Board supports LGU Kalayaan for naming sandbars, reefs

Discussion about this post

Latest News

Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan

Berong nickel mine’s path toward environmental recovery

May 30, 2025
Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan

Palawan municipalities placed on heightened alert amid nearby mpox cases

May 30, 2025
Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan

Feature: Taekwondo dreams take flight for palawan’s youngest national medalist

May 30, 2025
Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan

Pho sound alarm over mpox threat

May 30, 2025
Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan

Narra breaks ground on p52-million slaughterhouse

May 30, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    14963 shares
    Share 5985 Tweet 3741
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11168 shares
    Share 4467 Tweet 2792
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10258 shares
    Share 4103 Tweet 2565
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9632 shares
    Share 3852 Tweet 2408
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    8865 shares
    Share 3546 Tweet 2216
Palawan Daily News

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing