Sinusulong ni Board Member Maria Angela Sabando na mabigyan pansin ng Provincial Tourism ang dalawang munisipyo ng lalawigan ng Palawan ang bayan ng Cuyo at Magsaysay na magkaroon ng tour packages para sa promotion.
Sa ipinasang resolution ni BM Sabando ang “lakbay aral” activities in Cuyo to promote cultural/ historical tourism among local leaders during year-long celebration of 400 years of Christianity in Palawan.
Makikita sa Cuyo at Magsaysay ang tourist destination na hindi pa napupuntahan ng mga torista. Tulad ng Cuyo Port na mayroon Saint Agustin Church Convention na isang historical cultural heritage na maging sa Magsaysay ay matatagpuan din ang Saint Michael De Art Angel, at maari rin mag mountaineers, hiker, naman sa Mount Aguado tuwing holy week (at) na pinupuntahan ng mga tao.
“Halos kung totoosin kompleto ang packages ng Cuyo at Magsaysay kailangan lang matulungan yung dalawang Local Government Unit (LGU). Kung papaano madevelop yung package tour plan sa tulong ng Provincial Tourism Office, para yung mga pupunta doon mga Local and Foreign Tourist ay (tangkilikin) kung ano ano ang package tour ang pwede nilang e-avail doon sa Isla ng Cuyo at Magsaysay,” ani SB Sabando.
Kaya sa kanyang propose resolution ay e-package nalang ng isa para mas may dating ito sa mga turista, kaya naman hinihikayat nito ang mga Local Official na pahalagahan at hangaan ang meron sa Palawan.
“Ini- encourage ko yung ating mga Local Official na diba madalas silang mayroon lakbay aral activities, seminar and training specially yung mga local chief executive na sana bago sila mag tour sa ibang probinsiya. E-appreciate muna nila yung mga munisipyo na pwede mag offer din ng mga tourist destination na kailangan lang matulungan ng Provincial Government to the Provincial Tourism Office na magawan ng magandang package tour para sa ating mga torista.”
Samantala hindi rin magiging hadlang ang transportation/ hotel, lodging house, meal dahil kasama na sa tour package, naniniwala any bokal na kahit gaano kalayo ang isla ay pupuntahan parin ng mga torista basta meron tour packages plan para sa mga ito.
Hindi rin magiging problema ang transportation dahil meron naman airport sa bayan ng Magsaysay na mula sa Puerto Princesa City patungong Magsaysay Palawan.
Discussion about this post