Isa sa mga prayoridad ni Cong. Edward Hagedorn ang mga magsasaka sa bayan ng Aborlan, Palawan, na sila ay mabigyan ng kabuhayan, at gawing Agricultural Eco-Tourism Site ang bayan upang mas makatulong sa paglago ng ekonomiya nito.
Bagaman ito ang plano, kailangang pangalagaan pa rin ito lalo na ang marine protective area ng bayan.
Ayon kay Ms. Rita Sarmiento, Project Consultant, naging hamon umano ito sa kanila dahil hindi natutukan ang turismo sa Aborlan.
“Apart from that, we also have the Eco Tourism Site because naging challenge po talaga na hindi masyadong natutukan ang turismo doon, dahil nakakatutok tayo sa pagsasaka. But this time we want to inclusive so hindi lang pagsasaka hindi lang turismo kundi kabuhayan ng bawat Aborlano ang ating (paglaanan ng pansin) in the near future,” pahayag ni Ms. Sarmiento.
Isa na rin sa programa ng kongresista ang PUNLA o “Pag-asa Umasinso na lahat” na 29 na farmer’s associations ang makikinabang kung saan kasalukuyan nang prinoproseso upang maging ganap na kooperatiba ito sa ilalim ng Strategic Environmental Plan (SEP) program.
Ito ang nais ni Cong. Hagedorn simula pa lamang ng kanyang pag-upo, na matulungan ang bayan ng Aborlan, mabigyan ng hanap buhay at mai-deklarang Agricultural Eco-Tourism Site ang bayan.
Naglaan na ng pondo na umaabot sa ₱17.1 milyon na ipagkakaloob ng RSEP, sa pamamagitan ni Hagedorn para sa kanilang budget sa susunod na taon upang mapakinabangan na ng mga magsasaka ang rice processing na may kakayanang gawin ang bigas na high quality o International Standard Rice.
Binigyan din ang bawat farmer’s association ng kanya-kanyang rice dryer na umaabot sa ₱5-million ang isa.
Discussion about this post