Wala umanong katotohanan ang kumakalat na balita at post sa social media may kaugnayan sa lockdown sa isang lugar sa lungsod ng Puerto Princesa, ito ang nilinaw kanina sa COVID-19 advisory ni Dr. Dean Palanca, Incident Management Team Commander.
Aniya, bago magdeklara ng lockdown sa isang lugar dito sa lungsod kailangan ay may pagpayag mula sa kanya at maging sa local Inter-Agency Task Force o IATF.
Kasabay nito, ipinaalala rin nya na ano mang mababasa sa social media dapat suriin baka wala itong katotohanan.
“Kanina kasi may nakita kami sa media na may lockdown yan po ay walang katotohanan at una sa lahat kailangan may go signal yan sa akin kasama na rin ang local IATF, so ano mang nababasa nyo baka yan po ay hindi totoo,” paglilinaw ni Palanca.
Kaugnay umano ito sa isang bagong nag positibo sa COVID-19 sa lungsod na isang 38 anyos na babae at residente sa Barangay Inagawan Sub base narin sa resulta na inilabas kaninang umaga.
Dagdag pa ni Dr. Palanca, na maituturing na local transmission dahil wala itong travel history, walang nakasalamuha na nag positibo sa COVID-19 kaya patuloy nilang iniimbestigaha.
Samantala, wala umanong dapat ikabahala dahil maayos ang kalusugan ng bagong nag positibo, naka isolate na at patuloy ang isinasagawang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.
Discussion about this post