Kinaharap man ng Lalawigan ng Palawan at Lungsod ng Puerto Princesa ang hamong kaakibat ng pandemya ngayong 2020 gaya sa iba pang bahagi ng bansa, nakatutuwang isipin na hindi ito naging hadlang upang tupdin nila ang kanilang mga tungkulin.Sama-sama nating tunghayan ang ilan sa mga nagawa ng ating mga lider.
Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron
Sa Super Apuradong Administrasyon, iniulat ni Mayor Lucilo Bayron ang mga nagawa ng kanyang liderato kasabay ng pagpapailaw sa giant Christmas Tree noong Nobyembre 30, 2020.
Masayang inihayag ni Bayron na ang nai-donate na 3,500 LED bulbs ng Signify Inc. na ikinabit sa Community Christmas Tree, ay magsisilbing bumbilya sa Acacia Tree Tunnel sa oras na ma-dismantle ito sa Enero. Ito ay para magsilbing night attraction ang nasabing pailaw sa southeast part ng siyudad.
Aniya, kaya walang fireworks ngayong taon na gaya ng nakasanayan ay dahil idinagdag ang pondo para roon sa COVID response ng siyudad.
PAGLABAN SA COVID-19 PANDEMIC
Dahil sa pandemya, kaugnay sa pagsasailalim sa kalakhang Luzon sa ECQ noong Marso 16 na kung saan ang ilan sa mga ipinatupad ay ang temporary closure ng non-essential shops and businesses, agad na inorganisa ng siyudad ang Incident Management Team (IMT) at ang Emergency Operations Center (EOC) sa City Coliseum at kalaunan ay ang City Inter-Agency Task Force na nakabase naman sa City Hall.
Agad ring nag-hire ng dagdag na 45 nurses at pitong medtech ang City Government; nakapag-distribute ng five waves ng food assistance at P1,500 financial assistance sa lahat ng pamilya; bumuo at nagpatupad ng medical protocol sa pagtanggap ng locally stranded individuals (LSIs), Returning Overseas Filipinos (ROFs), at Authorized Persons Outside Residence (APORs).
Dagdag pa niya, bumuo rin at nag-operate ng one stop shop sa pagproseso ng mga bumabalik na mga residente ng siyudad at kinu-quarantine sa hotel quarantine facilities ng siyudad at isolation facilities naman para sa COVID patients.
Nagbigay naman noon ng libreng sakay sa publiko ang Pamahalaang Panlungsod sa pamamagitan ng transport subsidy sa mga multicab at tricycle.
Kinilala rin ng lokal na pamahalaan ang lahat ng frontliners na tinawag nilang COVID Warriors at nag-organisa rin ng COVID Marshall.
Aniya, nakaranas ang lungsod ng anim na local transmission ng COVID-19 ngunit nagawa naman nila itong i-contain.
NAPROSESO AT TINANGGAP NA LSISs, ROFs, APORs
LSIs -4,912
ROFs -1,084
APORs -2367
Kabuuang bilang: 8,363
COVID-19 UPDATE MULA MARSO – NOB. 29
129 COVID cases (117 recoveries)
-253 ang na-quarantine sa 7 hotel quarantine facilities ng siyudad
Malugod din niyang tinuran na ibinalik ng LGU ang local economy.
Ibinida rin ng Punong Lungsod na bagamat nariyan ang banta ng COVID-19, naisakatuparan pa rin ng Super Apuradong Administrasyon ang pagpapatupad ng mga proyekto at programa.
HEALTH
Ani Mayor Bayron, ang COVID response ng Puerto Princesa ay “pinaka-The best sa MIMAROPA” at isa sa mga pinakamagandang serbisyo sa buong bansa.
UNDER CONSTRUCTION
a.) New City Health Building
b.) City Molecular Laboratory w/ COVID-19 testing capability
IMPRASTRAKTURA
a.) Nilikha ang Office of the Building Official at City Architecture Department.
Ito aniya ay upang makapokus ang City Engineering Department sa pagpapatupad nila ng mga proyektong “By administration” ng lungsod.
b.) Nag-hire ng dagdag na mga inhenyero at mga arkitekto.
c.) Na-deliver na ang asphalt paver
d.) parating na rin ang concrete paver
Ang lahat ng ito umano ay paghahanda sa pagpapatupad ng City projects “By Administration.”
ON GOING CONSTRUCTION:
– New Slaughter House
-Baywalk Market
-Magarwak Isolation Facility
-Combined Waste Products and Septage Plant (Ito ay inaasahang magiging operational na sa Agosto 2021)
MASSIVE STREETLIGHTING PROGRAM
Ani Bayron, sa pangarap ng siyudad na maging pinakamaliwanag na lungsod sa MIMAROPA at sa buong bansa, sa ilalim ng Massive Streetlighting Program:
a.) Nakapag-install ng 3,183 bombilya habang ang iba ay ilalagay pa, para sa kabuuang 6,600 na i-install na bombilya sa Lungsod ng Puerto Princesa.
b.) Nasa 202 piraso na 100 watts solar lamps ang nailagay bilang boarder lights.
c.) Umabot sa 249 pirasong solar lamps ang inilaan para naman sa IP communities.
Ang 10,000 bulbs solar lighting proposal naman ng Signify, Inc. para sa rural barangays ay under evaluation na ng City Selection Committee.
Kapag gumana na ang lahat ng ito umano ay pwede na uling mag-host ng national at international dragon boat races ang Puerto Princesa.
SAN PEDRO DRAINAGE
gagawin ito “By Administration”
Na-bid na ang required na mga materyales
Napunduhan na rin umano ang Salvacion-Camuning Market, at kailangan lamang na isapinal ang details engineering.
TURISMO
Balayong People’s Park:
Sa ngayon ay under construction na ang dalawa pang four-lane roads, forest park, rotonda, at ang waterpark at ongoing na rin ang pagtatanim ng mga puno ng Balayong at iba pang namumulaklak na mga puno.
For Bidding
-P20 million para sa Forest Park expansion
-P60 million para sa apat na mini-parks
TULOY ANG PANGARAP
-Nai-convert na ang Subaraw Festival na maging international event
-ongoing construction na ang 500 metrong Cruiseship Port na kaya ang dalawang cruise ship.
SPORTS TOURISM
Patapos na ang playing venues sa Sports Complex:
2 covered Basketball Courts
1 covered Indoor Sports Building
2 covered Tennis Courts
2 covered Sepak Takraw Courts
4 covered Volleyball Courts
Sa agrikultura, tapos na aniya ang Producers Market (Bagsakan)
-Ongoing na ring ginagawa ang:
a.) Irawan Integrated Agriculture Center
b.) Bus and Jeepney Terminal
c.) Public Market
d.) PNP Station
c.) 4-lane Roads—pagsesemento sa daan ng Producers Market at sa mga inner roads na iasahang maging operational ang mga pasilidad sa 2022.
FARM-TO-MARKET ROADS
Patapos na:
a.) P150 million na Maryugon-Buenavista Concrete Farm-to-market Road (FMR)
b.) FMRs na ipinatutupad ng mga mini-City Hall ay tapos na rin at ongoing na rin sa Brgy. Langogan
‘BRINGING THE GOVERNMENT PROJECTS CLOSER TO THE PEOPLE’
Under construction na rin umano sa ngayon ang mga mini-City hall sa Luzviminda at San Rafael, habang operational na sa Napsan at Macarascas.
On going na rin umano ang pagpapagawa ng Langogan-Calabucay Road at Escalona Road, Inagawan habang tapos na sa Cabayugan, Tagabinet; Bobugtong Road, Napsan at Napsan Cemetery Road.
Under construction na rin aniya ang Philhealth Accredited Enhanced Satellite Clinic sa Luzviminda, San Rafael at sa Macarascas na equipped ng birthing facilities at kayang tumanggap ng limang inang sabay na manganganak.
Ang PNP station na itatayo sa mga barangay ng Napsan, San Rafael, at Macarascas ay co-founded na at ibi-bid na rin.
Pareho na rin umanong tapos ang access road sa concreting road sa mga Mini-City hall sa Luzviminda at Napsan, sa pamamagitan ng “by administration.”
Tapos na rin aniya ang feasibility study para sa Integrated Fish Port at inaasahang 2021 ay mapasisimulan na ang details engineering.
GOVERNANCE
Tulo-tuloy ang implementasyon ng mapagkalingang programa:
-Assistance Program para sa mga lolo at lola, PWDs, at barangay tanod.
-Pagkalinga sa mga IPs sa pamamagitan ng pag-install ng solar lamps at pagbisita sa kanilang komunidad—pagbisita na ayon kay Mayor Bayron ay “with quality time na ngayon lang nila naranasan.”
EDUKASYON
Ani Bayron, pinondohan na at naibigay na sa City DepEd ang P40 milyon para sa distant learning modules (DLMs) kaya sa Puerto Princesa ay walang solicitation para sa DLMs at aprubado na rin ang Special Education Budget para sa 2021.
“Maraming mga LGU ang natigil sa prosecute ng kanilang mga program and project nitong 2020 at naka-focus ang effort nila sa pagpatupad ng kanilang COVID response—hindi gano’n sa Puerto Princesa dahil dito, tuloy-tuloy ang maraming programs and projects habang nade-deliver ng maayos ang COVID response,” ani Bayron.
“May katotohanan nga ang [linya ng isang] sikat na lokal na awit na ‘Puerto Princesa, iba ka talaga!’” ang masaya pang pahayag ng Alkalde.
Puerto Princesa City Vice Mayor Maria Nancy Socrates
Para naman kay Vice Mayor Maria Nancy Socrates ng Lungsod ng Puerto Princesa, itinuturing niyang “major ordinances” ang naaprubahang Child and Youth Welfare Development Code at ang isang ordinansang nilikha para sa mga pasyenteng may kanser.
“Ako po ay proud at masaya na ibalita [sa inyo] na finally, approved na ang ating Child and Youth Welfare Development Code. Ito po ay dalawang taon naming binalangkas at talaga pong isa ito sa aking pet ordinances kaya pasalamat po ako na finally ay napasa na po and of course that would be implemented this coming year,” ani Socrates.
“Kasama rin po niyan, isa rin po sa I considered a landmark ordinance na ako po ang nag-author ay patungkol po sa cancer patient na magkaroon ng continuum of care ang pangangalaga sa kanila and of course, mabigyan po sila ng karampatang treatment and medication and even sa testing po. ‘Yan po ang ating ordinansa na tutugon po sa pangangailangan ng mga patient who are suffering from cancer,” dagdag pa niya.
Ani Socrates, ang nasabing mga aprubado ng ordinansa ang para sa kanya ay kanyang “major ordinances” simula nang mahalal noong 2019.
City Information Officer Richard Ligad
Ang tagapagsalita naman ng Puerto Princesa City ay nag-ulat na ang ilan sa mga pangunahing achievement sa ilalim ng kanyang pamumuno ay ang pagpapatupad sa batas trapiko upang mabawasan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa siyudad, pagbabantay sa mga pangunahing kalsada upang “walang pasaway,” pag-monitor sa maayos na paghahakot ng mga basura upang mapanatili ang kalinisan ng lungsod, pagpapaigting ng curfew hour, pagbabawal ng pag-inom ng alak sa gilid ng mga kalsada at daan at pagbabawal sa pagpasok ng mga motorider ng walang plaka ang kanilang motorsiklo.
“Sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan ‘yon at maunawaan nila na despite of the pandemic na ito ay hindi [dapat] mawala ang disiplina sa sarili,” ani Ligad.
EPEKTO NG MGA NAIPATUPAD NA PANUNTUNAN
“Nakita naman natin ‘no, na lahat, napupunta sa order kung saan tama tayo. Unang-una, hindi na tayo basta-basta sa tabing lansangan [umiinom] dahil ‘yon ang ilan sa ating nakaugalian—ngayon nababantayan na tayo. [Gayundin ang] pagpapaigting natin sa curfew, hindi na tayo pwedeng basta na lang na sisigaw-sigaw ka [sa daan] dahil alam mo na darating ang ating mga kasamahan,” aniya.
Binigyang-diin ng tagapagsalita ng siyudad na siya ring pinuno ng Anti-Crime Task Force ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mga mamamayan ng lungsod ng tamang disiplina.
“Kasi may iba tayong mga kababayan na kapag nahaluan na ng espirirtu ng ‘banayad whisky’ ay nawawala na ang disiplina—‘yon naandiyan ang ating mga kasamahan upang i-remind sila [dahil] disiplina ang isa sa mga importanteng [bagay sa ating buhay],” ani Ligad.
PAGBABAWAL SA PAGPASOK SA LUNGSOD NG MOTOR NA WALANG PLAKA
“Binabantayan natin ang seguridad ng ating mga kababayan at ‘yon nga, pagsisiguro na hindi tayo masisingitan,” ang naging tugon ni Ligad na nag-ugat sa ilang naganap na krimen sa siyudad at maging sa ibang bahagi ng Palawan na gumamit ang mga suspek ng walang plakang motorsiklo.
Kalayaan Mayor Roberto Del Mundo
Si Punong Bayan Roberto Del Mundo naman ay nagbigay din ng kanyang mga nagawa sa munisipyo ng Kalayaan, simula nang siya ay mailuklok sa katungkulan.
“Since mag-start po ako as alkalde ng Bayan ng Kalayaan since 2016 July, mayroon na po akong nailatag na mga agenda sa aming Bayan ng Kalayaan. Ang natatandaan ko po ‘yong sheltered port na ginagawa hanggang sa kasalukuyan, ‘yong unang-una po ay ‘yong binigay sa amin na fiber glass galing sa Philippine Navy na nagkakahalaga ng P60 million, ‘yong Police Station ‘yon po ay kompleto na rin ‘yong kanilang opisina ro’n. Isa pa po ay ‘yong covered court at ngayon po ay 90 percent na rin [na tapos], ‘yong aming evacuation center, nasa 95 percent na rin po, ‘yong power house [namin] ay mayroon na pong bagong makina roon ‘yong 75 KVA, ‘yon pong aming tourism mayroon na po kaming dalawang natapos na housing, at ‘yong dinonate sa amin ng MAMSAR, [at] ng pro water,” ani del Mundo.
“At saka ‘yong water catchment na galing sa DILG tapos na rin po, naandon na po sa Pag-asa Island—naandoon na pong lahat ‘yang mga projects na ‘yan. ‘Yon pong aming mga gawain namin sa opinina, natapos na rin po at naaprubaahan na rin namin ang aming Comprehensive Land Used Plan. Tapos na rin ‘yong aming Tourism Master Plan.”
Masaya ring ibinahagi ng Alkalde na 95 porsiyento nang tapos ang kanilang extension Office o Jump-off Station sa Takuwayan, Berong, Quezon, Palawan na pihong sa kalagitnaan ng taong 2021 ay makalilipat na umano sila roon. Maglalagay naman umano sila ng liaison office sa Puerto Princesa.
Sinabi niyang simula 2015 pa unang plinano at ipinagawa ang bagong extension office ng Kalayaan at ipinagpatuloy na lamang ng administrasyon ni del Mundo.
“Gusto rin po naming mayroon na kaming sariling opisina. Mahirap po na lagi kami ritong nakaupa—malaki po ang aming binabayad dito, P1.2 million a year and…P150,000 a month ‘yong binabayad namin sa building na ito,” aniya.
Napili umano nila ang lugar dahil malapit iyon kung bibyahe sila mula sa mainland Palawan patungong Pag-asa Island na magiging mahigit 30 oras na lamang ang byahe kumpara sa kasalukuyang set up na manggagaling sila sa Puerto Princesa na umaabot ng tatlong araw at tatlong gabi bago makararating sa Brgy. Pag-asa.
Masaya rin niyang ipinabatid na kung daraan sa Sto. Nino, Napsan, Puerto Princesa patungo sa kanilang jump-off office, ang dating tatlong oras ang byahe, sa ngayon ay isang oras at kalahati na lamang dahil sementado na ang daan.
Samantala, sa ngayon ay nasa 95 percent na rin umano ang naaayos sa kanilang seatransport, ang ML Seagull, at sa ngayon ay nasa pier na ng Puerto Princesa.
“Nakapag-purchase na rin po kami ng mga bagong makina tulad [ng para] sa ML Seagull, sa amin pong motorboat na de-katig na bangka….‘Yan po ang aming sea assets, ‘yan pong dalawang bangka. Bale tatlo po ‘yang bigay sa amin ng DILG na fiber glass—isang de-katig at isang lantsang ML Seagull,” dagdag pa niya.
National Irrigation Administration (NIA)-Palawan Irrigation Manag
National Irrigation Administration (NIA)-Palawan Irrigation Manageent Office (PIMO)
Palawan Division Manager, Engr. Condrado Cardenas Jr.Ayon kay Cardenas, base sa pinakahuli nilang tala noong Nobyembre, nasa 80 porsiyento na ang ipinagagawa nilang 23 proyekto sa buong Lalawigan ng Palawan.
“Itong naging pandemic natin, hindi natin pwedeng iantala ‘yong sa reproduction, instead, nagkaroon kami ng skeletal workforce, then tuloy-tuloy naman ang aming construction, monitoring ng mga proyekto and as of now, mayroon tayong 80 percent na sa physical accomplishment ng 2020 projects. Marami rito, operational na sila,” ang naging pahayag naman ni Engr. Condrado Cardenas Jr. na siyang pinuno manager ng National Irrigation Administration (NIA)-Palawan.
Unang Distrito:
Malico I CIS, Malico II CIS, Abaroan CIS (Bayan ng Roxas)
Abongan CIS (Taytay)
Kawakayan SIP (Taytay)
Sto. Nino CIS (Busuanga)
Caruray-Kinabuyukan CIS (San Vicente)
Borac I CIS (Coron)
Villa Paz CIS (El Nido)
Tumarbong SIP (Roxas)
Ikalawang Distrito:
Rabok-Magugurang CIS, Sabsaban CIS, Tigaplan CIS (Brooke’s Point)
Dalawang Marangas CIS (Bataraza)
Aramaywan CIS (Quezon)
S Iraan CIS (Dr. Jose Rizal)
Ikatlong Distrito
Inagawan CIS (Inagawan, Puerto Princesa City)
Bagamat aminadong bahagyang naging balakid ang pandemya sa pagkakaantala ng ibang proyekto para sa buong Lalawigan ng Palawan katulad sa parte ng Brooke’s Point, Bataraza, Balabac, El Nido, Coron, at Busuanga ngunit sa ngayon ay kanila nang minamadali.
PONDO PARA SA 2020 PROJECTS
“Sa infra, sa amin sa irrigation development, umabot ng P238 million sa buong taon,” aniya at idinagdag na maliban pa rito ang malaking dam na nagkakahalaga ng P322 million sa ngayon ay “on progress” na.
Binanggit din niyang halos lahat ng kanilang mga proyekto ngayong 2020 ay “best projects” dahil karamihan ay natapos na at operational na.
“Hindi [talaga] naging balakid ‘yong COVID-19, nagawan namin ng paraan kasi nagkaroon kami ng job generation lalo na sa El Nido na tourist destination—‘yong walang hanapbuhay, pumapasok na sila sa pagsasaka kaya kailangang i-fast track namin ang irrigation development para ‘yong mga nawalan ng trabaho, bumalik sila sa pagsasaka,” ani Cardenas.
GAANO KAEPEKTIBO ANG KANILANG MGA PROYEKTO
“Malaki ang tulong sa antas ng pamumuhay, lalo ngayon, time ng COVID-19, naramdaman nila ang kahalagahan ng pagsasaka; back to basic sila ngayon. Kusa silang lumalapit sa mga proyekto para magtrabaho, ganoon din ‘yong mga nasa pamilya ng pagsasaka, ‘yong mga anak nila hindi na involve sa hotel, hindi na nagtatabaho sa mga hotel, bumabalik na sila sa pagsasaka. So, naramdaman nila na talagang sa pagsasaka, sa food sufficiency, iyon ang makaka-mitigate lalo sa time ng pandemic,” aniya.
Ang mga hindi naman umano nakayang tapusin ngayong 2020 ay titiyakin nilang matatapos sa Pebrero 2021.
May mga proyekto rin aniya sila sa 2021 na bagamat nabawasan ay malalaking proyekto naman at mga bago.
“Para sa ating mga mahal na mga kababayan, lalong-lalo na sa mga magsasaka, ‘yong pagtulong-tulong natin lalo na sa panahon ng pandemya na naramdaan natin ang kakulangan ng mga produktong pang-agrikutura, so, kami po na taga-NIA, dino-double time po namin ang irrigation developments para maramdaman na kahit may pandemya, makaka-survive tayo; hind tayo magugutom,” ang naging mensahe naman ni Engr. Cardenas sa mga mamamayan.
Sa pagpasok ng 2021, sabay-sabay nating bantayan ang nasabing mga proyekto at saksihan kung paano ito makatutulong sa mga mamamayan.
Discussion about this post