Bahagyang tumaas ang presyo ng ilang pangunahing pangangailangan partikular na ang karne at gulay sa old at new markets sa lungsod.
Sa impormasyong nakuha ng Palawan Daily News team sa ilang tindera, tumaas ng P10 hanggang P20 ang karneng baboy habang ang karneng manok ay wala pang stock na dumarating.
Ayon Kay Gretchen Esparagoza, tumaas ang presyo ng karne at matumal din dahil sa Bagyong Odette
Kasabay nito tumaas din ang presyo ng mga gulay ng 10 percent hanggang 20 percent katulad ng kamatis na dati ay nasa P100 pero kilo na ngayong P120 per kilo, carrots na nasa P180 na ngayon ay P200 na per kilo. Dagdag pa rito na wala ring panindang isda sa merkado dahil sa nakalipas na sakuna.
Naglabas naman ng paalala ang DTI-MIMAROPA sa pagdeklara ng Proclamation No. 1267 o State of Calamity noong December 21, 2021, sa buong rehiyon kasabay nito ang pag-implementa ng price freeze sa ilang basic necessities katulad ng:
- Canned fish and other marine products
- Processed milk (evaporated, condensed, and powdered milk)
- Coffee
- Laundry/ detergent soap
- Candles
- Bread (tasty and pandesal)
- Iodized salt
- Instant Noodles
- Bottled Water
Ang sino mang lumabag ay maaring makulong ng isa hanggang sampung taon o pagmulta ng hindi baba ng P5,000 hangang P1 million.
Discussion about this post